CHAPTER FORTY ONE

27 1 0
                                    


"MY STEP SON"

Tinanggal ni Eros ang pagkakahawak niya sa aking kamay ay lumapit sa ginang.

"What are you doing here?" narinig kong sabi ni Eros. Mahina ito pero may gigil sa boses. Sapat na ito para marinig ko.

"Oh c'mon Eros, I have—"

"Wala kang karapatan sa bahay na ito at lalo ng hindi ka welcome sa pamamahay ko."

Nakakakilabot namang tumawa ang babae sa sinabi niya bago tumagos ang tingin sa akin. Napayuko naman ako ng kaunti dahil hindi ko kayang tagalan ang pagtitig sa kaniya.

"At saan mo ibibigay? Sa cheap na babaeng 'yan?!"

"She's not cheap like you. She is classy but you? A whore"

Isang malakas na sampal ang nasaksihan ko. Sinampal ng babae si Eros.

Nataranta naman ako sa ginawa nito.

"Wala ka talagang modo! You think magiging successful ang company sa ginagawa mo? Para sabihin ko sayo may share ako sa kompanya na iniwan ng Dad mo!"

"It's only 25 percent. Kayang kaya kitang bayaran, mawala ka lang dito"

"Huh! You think you can easily do that? No dear. Dito kami titira ng step brother mo. Where's Eliesh by the way? Humiwalay na din ba?" tanong ng babae. Mahina itong tumawa bago umikot ang mga mata. "Kung sabagay hindi talaga tatagal ang kapatid mo dito dahil sa sinauna mong prinsipyo sa buhay. Kaya naman hindi na ako magtataka kung sa isang araw o sa isang taon magbago ang pakikitungo ng babaeng ito sayo," tumingin ito sa akin bago ngumiti. Naglakad ito papalapit sa akin pero hindi na nakayakap sa akin dahil hinarangan ito ng braso ni Eros.

"Don't you dare." may pagbabantang sabi ni Eros sa ginang.

"Overprotective. What's your name hija?" pagtatanong ng ginang.

"A-Algea po" mahina kong sabi pero sapat na naman para marinig niya.

"Hmm, sounds of pain"

"Kailangan na naming magpahinga. Make sure na paglabas ko ng kwarto wala na kayo dito ng anak mo" aniya bago tumingin sa gilid sa parteng kanan.

Napasinghap ako nang mamukaan ang lalaking nabunggo ko noon sa may hallway palabas ng campus.

Ngumisi ito habang nakalagay ang magkabila niyang kamay sa leather jacket na suot niya. Humarap ito sa akin.

"Oh! What a coincident? Ikaw pala 'yan Miss. Nice to meet you again"

"Algea?"

Tumingin ako kay Eros na nagtataka sa nangyayari.

"Ah—"

"We see each other sa university"

Nandilim pa lalo ang ekspresyon ni Eros dahil sa nalaman.

"Get out" malumanay niyang sabi sa dalawang nasa harapan namin.

"You're so rude Kuya—"

"I said get out! Hindi kayo parte ng pamilya at lalo ng wala kayong parte dito sa pamamahay ko!"

"You're so mean" prenteng sabi ng lalaki. "Let's go Ma, aalis na tayo dito"

"No. Mayroon tayong share dito"

"Sa kompanya lang kayo at hindi sa bahay ko" si Eros.

"Tandaan mo ang araw na ito Eros. Magsisisi ka din sa mga ginagawa mo" pagbabanta ng babae bago tumingin sa akin at tumalikod na. "Let's go."

Tiningnan ko sila habang naglalakad hanggang sa makalabas na ng bahay.

"Nagkikita kayo ng lalaking 'yon sa university?" tanong niya sa akin.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon