CHAPTER FORTY THREE

30 1 0
                                    

MAAGANG umalis si Eros dahil may dadaluhan itong meeting sa ibang bansa kaya naman ako lang ang maiiwan dito sa condo. Sinabi niya na sa bulacan na muna ako tumuloy para may kasama ako pero sabi ko ay dito na lang muna ako. Gusto ko man doon dahil makakasama ko sina Nay Frela pero mahihirapan din ako sa pagpunta sa school at uwian naman dahil sa traffic, sinuggest din ni Eros na sa condo muna ako ni Elie pero abala din ang isang 'yon. Bihira na din kami magkita dahil madalas nasa mga gigs niya. Nahuhumaling na din kasi ang isang 'yon sa pagiging photographer.

Simpleng agahan nga lang ang niluto ko para sa almusal ko. Pritong itlog at ham at ang fried rice na niluto ko kanina dahil pinaghanda ko muna ng almusal si Eros bago siya umalis.

Habang nag aalmusal ako ay nakarinig naman ako ng tunog ng doorbell sa labas kaya naman tumayo agad ako at tiningnan. Pagbukas ko ng pinto ay si Elie ang bumungad sa akin. May hawak itong dalawang kape at nakalagay sa kaniyang kaliwang balikat ang isang bag na kulay itim.

"Suprise! Good morning my gorgeous sister-in-law." ani Elie habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Ahm, good morning sa 'yo. Pasok ka," niluwagan ko ang pinto para makapasok siya.

"Nakapag almusal kana ba? Saluhan mo na ako" ani ko.

Ipinatong niya muna ang kape bago inilagay ang itim na bag.

Kinuha ko ang dala niyang kape at sumunod sa akin.

"Nah, just a sip of coffee"

"Kumain ka,"

"I'm on diet." simple niyang sa sabi.

Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Kung nandito ang kuya mo mapipilitan ka na kumain ng kanin"

"Buti na lang natyempuhan kong wala s'ya dito" aniya habang iniinom ang kape na dala niya. Itinapat naman niya sa akin ang isang kape.

"Gusto mo ba ng tinapay?"

"Hmm, sure. Thanks."

Tumayo ako at kumuha ng bread na nakalagay pa sa oven toaster bago kumuha ng lalagyan.

Ipinatong ko sa lamesa ang tinapay na kinuha ko.

"Thanks Algea," sabi niya bago hinati ang tinapay at kinain. "Aww my bad, I forgot, nandito pala ako, because Kuya called me, dito muna ako kasama mo dahil hindi mo daw gusto na nandoon ka sa condo ko?" naninigkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Kasi alam kong busy ka din at ayos lang naman ako dito"

"But at least try to contact me. Hindi ko naman kayang hindi-an ang sister-in-law ko e." sabi niya habang nag e-enjoy sa kaniyang kape.

"Pero salamat din sa pansamantala mong pagsama dito sa akin"

"Ah huh, hindi din naman makakapag focus doon si Kuya kapag mag isa lang ang asawa niya dito"

Ininom ko ang kape na dinala niya para sa akin.

Pagkatapos naming mag almusal ay hinugasan ko muna ang mga pinag gamitan bago mag ayos para sa pagpasok sa university.

"Alis na ako Elie, kapag may problema tawagan o i-text mo na lamang ako. Papasok na ako." paalam ko sa kaniya na nasa isang kwarto.

Tumigil ito sa pag type sa kaniyang MacBook Air laptop at tumingin sa akin.

"I'm okay here. Anong oras ka pala uuwi?"

"5 pm." ani ko.

Tumango ito. "Okay. Take care sister-in-law" aniya.

"Okay. Thank you." ayon lamang at isinarado ko na ang pinto ng kwarto niya.

Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay nag send muna ako ng picture ko kay Eros na may kasamang "Paalis na ako. Ingat ka d'yan. I love you."

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon