CHAPTER THIRTY

33 7 0
                                    

HINIHINTAY ko na lamang lumabas ng kwarto si Eros para sabay na kaming kumain ayos na din kasi ang hapag dahil ako na ang nagtuloy niyon. Nakaupo ako dito sa isang couch at naisipan kong magbukas ng cell phone habang hinihintay sya.

May naudyok sa akin na buksan ang isa sa mga social media account ko na si Ellie ang gumawa at doon ay nakita ko ang madaming notification nakita ko pa nga ang account name doon ni Dheasy na finollow ako.

Hindi na naman ako nagdalawang isip at agad na finollowback ko din iyon.

Nag tingin tingin pa ako sa mga nandito sa newsfeed ko habang hinihintay si Eros matapos maligo.

Maya maya pa ay narinig ko na ang pagtunog ng pinto at lumabas na nga doon si Eros na may puting tuwalya pa sa ulo.

Nakasuot ito ng berdeng damit na maluwag pa sa kanya at short naman na puti hindi naman ito ganon kaiksi at sakto lang sa kanyang tangkad. Medyo basa pa ang buhok nito kaya nakalagay pa ang tuwalya sa ulo.

Tumingin ito sa pwesto ko kaya naman napatayo na din ako at iinilagay sa maliit na lamesa dito sa tabi ng sofa ang cell phone ko.

"N-nakahanda na yung pagkain. Habang naliligo ka ako na ang naglagay ng mga niluto mo" ani ko.

"Thank you. Lets eat. Alam kong nagugutom kana rin" sabi niya at pinaghigit ako ng upuan.

"Salamat"

Nang makaupo na din si Eros ay sya na din ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Sorry kanina. Hindi naman sa ayaw kong pinakikialaman mo ang gamit ko. Actually you're free to use my things I won't bothered. Nabigla lang ako kanina" pagpapaliwanag niya habang kumakain kami.

"Nabigla saan? Hindi mo ba nagustuhan itsura ko nung lumabas ako ng kwarto mo?"

"Hindi Algea, actually your so hot and....I like your scent that's why"

"Gusto mo ang amoy ko? Dahil naman yun sa sabon mo mabango nga sya"

"Pero mas naging mabango yun nang gamitin mo"

Pagkakasabi niyang yun ay parang may natamdaman akong kilabot sa katawan ko. Ewan ko ba kung bakit ganto lagi ang nararamdaman ko kapag siya na ang nakakasama ko.

Hindi kaya bumabalik na naman ang pagiging matatakutin ko?

May kung ano sa isipin ko na ang naririnig ang boses na nakakakilabot na matagal ko ng kinalimutan.

"Ahh!"

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor at agad na humawak sa ulo.

𝐴𝑠𝑎𝑤𝑎 𝑘𝑜......

"Hindi. Umalis ka!"

Tumayo ako at umatras.

Nakita ko na mabilis pumunta sa akin si Eros at niyakap ako.

Nanginginig ang kamay ko na hinawakan niya. Doon ay hindi ko napigilan na mapaluha.

"Shhh..... Im here, walang mangyayaring masama sayo"

"Eros..."

"Just think about me.....us"

Hindi ko alam kung ilang minuto pa kaming nagtagal sa ganong posisyon hanggang sa napagpasyahan ni Eros na umupo kami.

Hindi niya pa rin ako binibitawan at hinahaplos ang aking buhok habang ako ay wala sa kondisyon hanggang sa nararamdaman ko na din na bumibigat ang talukap ng aking mata.

Parang gusto na nitong pumikit pakiramdam ko ngayon ay sobrang pagod ng katawan ko at madaming ginawa kaya naman hinayaan ko na lamang itong pumikit nang tuluyan at makapagpahinga.

Nang mag mulat ako ay isang puting kisame ang natingnan ko.

Unti unti kong inunat ang aking katawan at umupo sa kama.

Nasa silid ako ni Eros bakas naman sa kanyang silid lalo na sa higaan niya ang kanyang amoy.

Inalis ko ang kumot sa aking hita para umalis na sa silid nang marinig ko sa hindi kalayuan ang boses ni Elie.

"Sure Kuya.."

Binuksan ko unti unti ang pinto at doon ay bumungad sa akin si Elie at Eros na nag uusap.

"Yes she's fall asleep while I cuddle her"

Napatingin sa pwesto ko si Elie at walang ano ano'y pumunta ito sa akin at niyakap ako.

"I'm worry about you Algea" aniya habang nakayakap sa akin.

Hinipo ko ang kanyang likod at sinabi na ayos lang ako.

"Kuya what if.....we go to psychiatris-"

"Hindi na kailangan Elie. Ayos na ako masyado ko lang sineseryoso yung sarili ko sa pag aaral at napapagod din"

Ayoko na pumunta pa kami sa ganong lugar natatakot ako na bumalik lahat ng alaala ko at pilitin na kalimutan at natatakot din akong may mas higit pa doon ang mangyari dahil ayokong tumagal sa ganong set up, pag may problema nga ako.

"But Algea"

Umiling ako.

"Kaya ko naman, wag kang mag alala"

Napansin ko ang pagtitig niya sa kanyang kuya.

"Fine, but you say you'll fine. I trust you"

"Excuse me ladies, I'll go to the kitchen to cook you food"

Tumingin ako kay Eros at ngumiti sa kanya bago niya isinarado ang pinto.

"Salamat. Tapos na ba ang klase mo?"

"Yeah. Kanina pa dumiretso na ako sa photography class ko at tumawag ako sayo wala namang sumasagot kaya kay Kuya na lang, and he tell what happened"

Sumeryoso ang pagtitig sa akin ni Elie at hinawakan ako sa braso.

"Tell me the truth Algea, wag kang matakot sabihin ang totoo. Do you hear some murmmuring to your mind? Like may bumubulong ba sayo? O naririnig na boses na hindi mo gusto?" Pagpapaliwanag niya.

Ayon na ayon ang nangyari sa akin kanina pakiramdam ko nasa malapit lang talaga sya.

Hindi ako nakasagot at yumuko lamang.

"Okay. That's not a simple trauma. There's a problem to you, but don't think you're crazy 'coz you're not and don't blame yourself too" aniya.

"Elie, natatakot ako sa boses. Pakiramdam ko nasa tabi ko lang sya at may gagawing masama sa akin"

Niyakap niya ako at sinuklay suklay ang buhok ko.

Kailan kaya matatapos ang paghihirap ko?






























babygummie_

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon