CHAPTER TWENTY SEVEN

27 7 0
                                    

AYOS naman ang naging unang araw ko sa bagong school na pinapasukan ko na ngayon kaya nga lang ay hindi pa ako ganon kasanay.

Ganon naman sa una hindi ba? Kapag bago pa lang ay mahirap pa mag adjust.

Habang hinihintay ko ang time ni Elie ay pumunta muna ako sa isa sa bench na nandito malapit sa mini fountain ng school. Ang ganda lang tingnan dahil sa nakaka ginhawa din sa pakiramdam.

"Hi, you are the transferee right? I'm Gela"

May isang babae na lumapit sa akin pormal nitong itinaas ang kanyang kanang braso para pormal ding magpakilala. Agad ko namang nakita ang kanyang itsura maputi ito at bilugan ang mga mata, katamtaman lang din ang taas.

"Ahm...Algea" ani ko at tinanggap ang kanyang kamay.

Namumukaan ko nga ito kanina sa klase.

"May hinihintay kaba?" aniya sa tabi ko.

"Ah oo meron"

"Ohh I see, may hinihintay din ako. I see you here and I know you're the new student so dito na din ako nagtungo. My three friends just buy some food sa canteen and I'm waiting for them" aniya.

Hindi ganon kataray ang pananalita nya, sa totoo lang ang gaan ng boses nya na medyo maarte lamang sa pagsasalita kahit sa pagtatagalog.

"Ah okay...." alanganin kong sabi.

"Sino bang hinihintay mo? Driver?"

"Hindi, one of my friend"

"Ohh that's nice pwede mo din naman kaming i-approach tutal magka klase naman tayo"

"Thank you"

"By the way what's your Facebook or IG account ba? Para naman we follow each other" maarte nitong sabi bago inilabas ang kanyang cell phone. Sa pagkakaalam ko ay isang bagong labas na cell phone ang hawak nya at halata naman na mahal ito.

"Gel let's go" narinig kong boses sa di kalayuan.

"Wait!"

Nang makalapit na sila ay agad napukaw ang atensyon nila sa akin.

"Ito ba yung transferee?" ani ng isa na maikli ang buhok.

"Yap she's pretty right?"

"Yes" ani ng naka kulay abo na buhok "What's your name again Miss?"

"Algea" simple kong sabi.

"So Algea, can we be friends?"

'O-oo naman. Walang problema sakin"

"That's good to hear, mas maganda kasi talaga kapag maraming kaibigan, are you available right now? Let's go to the coffee shop let's getting to know each other....you know-"

"Ohh sorry Dheasy she's not available she's waiting for someone"

"Her boyfriend?"

"Nah, a friend"

"Okay maybe next time"

"Yeah Algea see you na lang" ani nila.

"Okay, see you tomorrow"

"Bye"  ani nila at nagpaalam na.

Pinagka interesan na lamang ng aking paningin ang fountain na nandito, tunay nga na maganda ang eskwelahan na ito kaya nga lamang ay medyo kalakihan ang tuition fee hindi naman ako ang nagbabayad para doon pero nanghihinayang pa rin ako sa presyo nito.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Louj, ang kaibigan ko.

Kamusta na kaya sya?

Sinubukan ko din naman na hanapin sya sa social media kaso mailap talaga at wala akong mahanap siguro ay binura nya ang lahat ng account nya sa social media.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon