CHAPTER TWENTY EIGHT

26 9 0
                                    

UNTI unti kong iminulat ang aking mga mata at napagtanto na nasa sarili na akong kwarto at tiningnan ang nakadikit na orasan sa dingding malapit sa aking hinihigaan.

Pasado alasais na.

Bumangon na ako at inayos ang pinaghigaan.

Hindi naman ako nagmamadali dahil sa 8 pa naman ang klase ko. Agad akong nagtungo sa CR upang maghilamos at nang magawa na  ito ay lumabas na ako ng kwarto.

Laking gulat ko nang makita ko ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Abala ito sa paglalagay ng pinggan at baso sa lamesa.

"Eros?"

Nag angat ito ng tingin at naglakad papunta sa akin.

Yumuko ito at pinadampi ang kanyang labi sa aking noo.

"Good morning baby"

"G-good morning, ang aga mo namang pumunta dito?"

"No. Hindi ako umuwi"

"Ano?  Kung ganon saan ka natulog? Dito ba sa sala?"

"Yes. C'mon let's eat, baka malate ka pa"

"Bakit hin-"

"Oh morning Kuya, Algea" bati ni Eliesh pagkapasok sa kusina.

Mukang sa itsura ni Elie ay alam din niyang dito natulog si Eros.

"Oh may problema ba Algea?" si Elie.

"Ah w-wala Elie, kain na tayo"

"I have party to attend Algea maybe nine na ako makauwi" ani Elie.

"Where?" seryosong sabi ni Eros.

"To my friends Kuya"

"No boys?"

Duh, its girl's bonding Kuya. Don't be so paranoid"

"I'm just asking, and I want to know Elie. I'm serious"

Itinaas ni Elie ang kanyang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa isang laban.

"I 'm serious too"

"At exactly nine in the evening dapat nandito kana sa condo.  Ako ang magsusundo kay Algea at dito muna ako hanggang sa makabalik ka"

Sumimangot ang mukha ni Elie.

"I'm twenty three-"

"Hindi ko tinatanong"

Tumingin ako kay Eros pero diretso lamang ang tingin nito sa kinakain.

Itinuloy ko na lamang ang pagkain ko dahil baka mahuli pa ako sa klase dahil baka maabutan pa ng traffic medyo may pagka istrikto pa naman ang instructor ko sa unang subject.

Wala din naman akong magagawa dahil intindi ko naman kung bakit nagkakaganito si Eros kapag tungkol na kay Elie ang pinag uusapan.

Ano kayang pakiramdam ng may kapatid?

Nasa likod na namin si Elie at handa na din umalis. Nasa kabila syang kotse dahil ayun ang gagamitin nya pauwi mamaya, ako naman ay sa kotse ni Eros.

"Ako ang magsusundo sayo mamaya" aniya habang nagsisimula ng magmaneho.

Pagkarating namin sa exit ng basement at binati pa kami ng guard doon na nagbabantay.

"Sige, alam mo naman ang schedule ko"

"Yeah"

Ibinigay ko kasi ang isa pang copy ng schedule ko dahil gusto nyang alamin ang mga oras bawat subject.

"Hmmm.....hindi naman sa nakikialam ako sa inyong magkapatid pero bakit hindi mo payagan si Elie na mag bonding ng matagal kasama ang mga kaibigan nya?" medyo alanganin ko pang sabi.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon