CHAPTER SIX

53 17 0
                                    

ABALA ako ngayon sa pagbabasa ng ibinigay sa akin na libro ni Ms. Veriona nandito kami ngayon sa may hardin habang nakatingin lamang sya sa ginagawa ko.

"Oh ito kumain po muna kayo Ma'am para naman ganahan pa lalo itong si Algea na mag aral pa" sabi ni Inay Frela.

Iginilid ko muna ang ibang libro para mailagay ni Inay Frela ang tinapay at inumin na dinala nya.

"Salamat po" sabi ni Ms. Veriona.

"Salamat po dito Inay Frela hayaan nyo po pagkatapos ko dito tutulungan ko po kayo"

"Naku ikaw na bata ka ayos lang sa akin nauutusan ko naman sina Sida at Frinda iyang pag aaral mo na lamang ang pagtuunan mo ng pansin" sabi ni Inay Frela bago nag paalam na sa amin na pupunta na ulit sya sa kanyang ginagawa.

"Bukas na ulit Ms. Algea" nakangiting sabi ni Ms. Veriona.

"Salamat po Ms. Veriona ingat po kayo pauwi"

Kumaway ako hanggang sa makalabas na sya ng gate.

Pumasok na ako sa loob naabutan ko si Inay Frela na abala sa pagluluto ng ulam.

"Oh tapos na ba kayo?" sabi ni Inay Frela.

"Opo kakaalis lang po ni Ms. Veriona" sabi ko bago kinuha ang gulay nililinis ni Ate Frinda.

"Kumusta naman ang pag aaral, Algea? Mas madali ba kapag dito lamang?" tanong sa akin ni Ate Frinda sa aking tabi.

"Hindi ganon kadali Ate Frinda mahirap din ang pag aaral ko ngayon dahil siguro sa hindi ako sanay na ako lamang ang tinuturuan"

"Nako!, masasanay ka din dalawang buwan lang naman. Kaya mo yan!"

"Salamat Ate Frinda" sabi ko.

"Sigurado akong magiging sikat na chef ka" narinig ko pang sabi ni Ate Frinda.

Ngumiti ako sa sinabi nya.

Sana nga matupad ko ang mga pangarap ko hindi lamang ito para sa akin kundi para na din kay Ina.

Pagkatapos naming mananghalian ay tumungo ulit ako sa may hardin dahil wala na naman masyadong gagawin ngayon kaya naman nagpasya na lamang ako na ituloy ang pagbabasa sa mga libro na iniwan ni Ms. Veriona. Nakakapagbasa naman ako english kaso nga lamang hindi ko maintindihan ang mga malalalim na salita pero sabi ni Ms. Veriona madali lamang daw iyon dahil hindi naman ako ganon kahirap turuan.

Binigyan din niya ako ng dictionary para hanapin ko na lamang ang mga salita na hindi ako pamilyar at naisip ko din na isulat ito ganon din ang ibig sabihin sa tagalog para hindi ko makalimutan at mabilis kong maintindihan.

"Inay Frela" sabi ko dahil napansin ko sya na papunta dito.

"Dinalhan lamang kita ng pang meryenda, mukang marami ka ngayon na inaaral ah"

"Mga binabasa ko po"

Ngumiti ito at iniligay na ang pagkain sa lamesa inalis ko ang ibang gamit sa lamesa para hindi  mabasa ng inumin.

"Sige na kumain ka habang nag aaral para tuloy- tuloy ang gawa mo"

"Salamat po" sabi ko bago sya umalis.

Napatigil naman ako sa pagsulat at pagkagat ng tinapay dahil naalala ko na naman ang nangyari sa silid.

Humingi sya ng tawad sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko.

Hindi ko pa ito nasasabi kina Ate Frela at Sida dahil alam kong aasarin na naman nila ako, habang tumatagal ako dito napapasin ko na nag iiba si Eros hindi ko nga lamang malaman kung bakit.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon