CHAPTER SEVENTEEN

35 11 0
                                    

NAKAUPO lamang ako at pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko habang nag iisip sa ipang reregalo ko kay Eros.

Hindi ko naman pwede syang tanungin sa kung anong gusto nya dahil alam kong mahahalata nya agad ang bagay na iyon.

Ano kaya bukod sa ipagluluto ko sya ng pagkain? Mas maganda din kasi kung bagay naman.

"Ano kaya?"

"Anong ano kaya?"

Napaayos ako ng upo dahil sa nagsalita si Sida sa tapat ko.

"H-ha?"

"May sinasabi ka dyan mag isa. Ayos ka lang ba?"

"Kasi iniisip ko kung ano ang gusto ni Eros sa kaarawan nya, ipagluluto ko na sya at mas maganda kung bagay naman ang ibigay ko"

"Hmm bilihan mo sya ng necktei mahilig si Sir Eros sa ganon nasabi sa amin ni Nay Frela na maraming collection ng ganon si Sir kaya yon ang bilihin mo"

"Talaga?"

"Oo at kahit naman ano ang iregalo mo sa kanya sasaya si Sir ikaw ang nagbigay ng regalo eh" aniya.

May sapat na naman akong ipon para makabili ng pang reregalo kay Eros para sa kaarawan nya.

May naisip ako, ano kaya kung gawan ko sya ng balabal? Palagi naman syang ginagabi sa pag uwi at malamig na sa ganong oras.

Tumingin ako kay Sida na hawak hawak na ang isa kong libro at tinitingnan ito.

"Sida pwede mo ba akong samahan sa palengke?"

"Ha? Bakit naman?"

"Gusto kong gawan ng balabal si Eros kaya kong gumawa non. Gagawan ko sya kasi tuwing gabi malamig at araw araw naman syang umuuwi"

"Hindi mahilig si Sir Eros sa ganyan Algea pero kung gagawan mo sya non kahit ayaw nya siguro masaya parin sya syempre ikaw ang gumawa"

"Eh paano yon? ang gusto ko sana yung magugustuhan nya at magagamit"

"Eh kung gawan mo ng lalagyan para sa mga libro nya palagi ko kasing nakikita si Sir Eros na maraming libro na inilalagay sa kanyang kotse at yung iba nahuhulog pa sa lapag ng sasakyan nya"

Tumango ako sa sinabi ni Sida.

"Sige ayun nga ang gagawin ko pero isang linggo na lang birthday na nya kaya kailangan magawa ko na"

"Sige sasabihan ko mamaya si Dante at magpapaalam tayo kay Nay Frela"

Ngumiti ako sa sinabi ni Sida.

"Salamat Sida"

"Ikaw pa ba? Susuportahan kita pagdating kay Sir Eros. Kayo dapat ang magkatuluyan hindi yung lalaki na pumunta dito dati"

"Lalaki?"

"Yung kaklase mo"

"Si Llaz?"

"Oo"

"Ano naman ang problema kay Llaz? Mabait sya Sida-"

"Iyan lang ba ang basehan mo para magtiwala ka kagaad sa kanya?"

"Sir Eros" si Sida.

Nakatingin sa akin ng seryoso si Eros hindi ko masasabing galit sya dahil wala namang emosyon na pinapakita ito.

"Ah Algea may gagawin pa pala ako sige una na ako. Sir" sabi ni Sida at mabilis na umalis doon.

"Tell me is he courting you?" si Eros na nakatayo parin sa una ko.

"Hindi nya ako nililigawan Eros, bakit mo naman natanong yan?"

"I heard you earlier he's kind to you so definitely you like him"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon