CHAPTER ONE

136 19 0
                                    

WARNING! :VIOLENCE

NAGISING ako na nakatali ang dalawa kong kamay ganon din sa paa.

Anong?...

"Buti naman gising kana aking asawa-"

"Wag kang lalapit sa akin! Lumayo ka!." sigaw ko sa kanya habang pilit kong ginagalaw ang kamay at ang paa ko.

Nakita ko naman ang aking Tatay tatayan at ang kumpare nito na parehong nakangisi. Napasigaw ako ng pisilin niya ang pisngi ko lumaban pa ako sa kanya sa pamamagitan ng pag untog ko sa ulo niya gamit ang ulo ko. Sumigaw ako dahil sasaktan na naman niya ako pero walang boses na lumalabas sa akin.

"Miss wake up...Miss-"

"Wag!"

Hinihingal akong umupo mula sa pagkakahiga napaatras din naman ako ng may makita akong lalaki na malapit sa akin.

"Nananaginip ka. I am the one who help you Miss you're safe now"

"Saan ito?"

"Clinic. Nawalan ka ng malay kanina, hindi mo ba natatandaan? Nakita kita na nanghihina at humihingi ng tulong" sabi niya sa akin.

Hindi ko sya maalala, kanina nasa kakahuyan ako at gustong tumakas sa aking Tatay at nahuli ako ng anak ng kanyang kumpare tapos....na...na patay ko sya?

"Hindi....hindi naman siguro"

Isiniksik ko pa lalo ang aking katawan dito sa aking hinihigaan at inilagay ang braso sa aking ulo.

"Miss are you okay?" sabi niya at hinawakan ako sa braso.

"Wag! Parang awa mo na wag mo akong sasaktan....wag mo 'kong saktan"

"Hindi kita sasaktan tinulungan kita Miss at ako ang gumamot sa'yo, hindi pa man ako ganap na doktor at isa pa lang akong estudyante na nag aaral ng medisina pero gusto kitang tulungan. Pwede ko bang malaman kung anong ginagawa mo sa lugar na iyon?"

Dahan dahan kong inalis ang braso ko sa aking ulo at tiningnan sya nakatitig ito sa akin na walang emosyon ang mukha. Nakasuot ito ng puting damit, ito siguro ang nakita ko bago ako mawalan ng malay.

"Aah..."

Hindi ko dapat sabihin sa kanya ang nangyari paniguradong ipakukulong niya ako o di kaya ay ibalik sa aking Tatay tatayan.

"May p-pinuntahan lamang ako..."

"Kung ganon bakit may mahabang hiwa sa braso mo?" sabi niya at itinuro ang aking braso na ngayon ay may puting nakalagay dito.

"Kasi nahiwa lamang ako ng sanga ng kahoy habang naglalakad ako" sabi ko.

Mukang hindi ito naniniwala sa akin bago tumingin sa leeg ko kaya napabaling ako sa ibang direksyon.

"Then why you have bruises on your neck?"

"H-ha?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi sya maintindihan alam kong lengwaheng ingles iyon pero konti lang ang alam ko at medyo nahihirapan pa akong intindihin.

"Bakit may pasa ka sa leeg mo? Kung hindi ako nagkakamali, sinakal ka"

Mabilis kong inilagay ang aking kamay sa aking leeg para matakpan ito.

"Ahmm...k-kasi-"

"May nanakit sayo? Sino? Pwede nating isumbong sa pulis-"

"Hindi!" sigaw ko at nagulat naman sya dito.

"Pasesnya na pero...ayos lang ako..h-hindi na kailangan"

"You sure?"

Intindi ko naman ang sinabi nya kaya tumango ako.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon