NANGINGINIG akong hawak ang pagkain na dinala ko para kay Eros. Hindi ko sya matitigan ng diretso dahil sa madilim awra nito ngayon.
Nagagalit ba sya sa ayos ko dahil hindi bagay sa akin? Dapat pala binura ko na ito para hindi na sya magalit ng ganito ngayon.
"Algea"
"Sorry. Binura ko na dapat ito....mukang hindi naman bagay sa akin"
Lumapit ito sa akin at itinaas ang tingin sa kanya.
"You're wrong baby. You look more attractive Algea. Nagagalit ako dahil sa kapansinpansin ang ganda mo"
"Eros wag kana magsinungaling. Alam kong hindi bagay-"
"Humarap ka sa salamin at kahit salamin hindi magkakaila na maganda ka Algea even my eyes tuwang tuwa kapag nakikita ka pero mas gusto nito yung natural" aniya at naramdaman ko ang masuyo nitong haplos sa pisngi ko maya maya pa ay unti unti ng lumapit ang kanyang mukha at hinalikan ako ng mariin.
Nabigla man ako sa ginawa nya ay hindi ko parin maiaalis sa utak ko na masaya ako parang baliwala yung naging nangyari kanina.
Gusto ko man ang nangyayari pero kailangan itong itigil muna dahil sa hindi pa sya kumakain ng tanghalian.
Marahan kong itinulak ang dibdib nya kaya naman tinitigan nya ako.
"Kumain kana Eros dahil alam kong busy ka sa mga yan" turo ko sa mga nagkalat na papel sa lamesa nya na naabutan ko syang tinitingnan ito kanina.
"But I like your lips more than food"
"Tumigil ka nga Eros mas makakabuti na may laman ang tyan mo dahil marami kang gagawin"
"If you're here everyday i bet whole office hours nakatitig lamang ako sayo"
"At wala kanang magagawa non"
"That's good dahil wala na akong mararamdaman na stress"
"Kahit sa mukha ko?"
"May ka stress stress ba diyan?"
"Meron"
"Wala"
"Meron"
"Wala Algea. Kung gusto mo magpalitan tayo ng mata at sabihin mo ang sagot mo kanina. Sa tingin ko wala kang maisasagot dahil kahit ako tanungin ng ganon wala din akong maisip na dahilan Algea. I love your innocent face"
"Kumain kana nga lang" ani ko at tumungo sa mini sofa nya dito at kumuha plato sa mini kitchen nya dito. Ito nga ang gusto ko dito sa office nya mukang bahay na din kaya nga siguro yung sabi ni Nay Frela na halos hindi na sya dati nauwi sa bahay dahil ayos naman pala dito sa opisina nya.
Nakaupo ako habang tinititigan sya sa pagkain nya ng niluto ni Nay Frela.
"Kamusta ang lasa? Masarap?"
"You cook this?"
"Ahm hindi si Nay Frela ang nagluto niyan dahil sa tinulungan ko si Elie sa project nya"
"What kind of project?" aniya habang tinutupi ang kanyang long sleeve pero hindi nya ito maayos at nahihirapan sya dahil sa nagamit nya kanina ang kamay nya sa pagkuha ng pagkain kanina.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso nya para ayusin ang long sleeve.
Tahimik akong ginagawa yun habang sya ay nakatitig sa akin.
"Yan ayos na kumain kana ulit"
"Thank you" sabi nya at naglagay din ng pagkain sa isang plato.
"Eat"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.