PROLOGUE

245 25 0
                                    

WARNING! Violence and Language

LUMABAS ako sa aming bahay ng malaman ko ang gagawin ng aking kinikilalang Ama. Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya ngayon. Mabilis akong naglakad paalis habang lumuluha. Aalis na ako dito sa amin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong umalis na dito.

Bakit niya ako ipapakasal sa hindi ko gusto at sa hindi magandang pag uugali ng anak ng kanyang kumpare?

Ayoko. Hindi ako makakapayag muka akong gamit na ipinamimigay na lamang kapag kailangan. Dahil ba sa marami siyang utang doon? At ako ang pambayad sa mga utang niya?

Hindi ako makakapayag, wala na si Ina pero...pero bakit ginagawa niya ito sa akin? Diba dapat mas magpakatatag kami? Pero iba ang nangyari, mas lumala pa.

"Algea!"

Agad akong kinabahan at tinakpan ang aking bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Pumunta ako sa isang malaking puno upang magtago umiyak na lang ako ng walang lumalabas na anumang ingay sa aking bibig dahil alam ko na kapag nahanap niya ako ay sasaktan na naman ako ng aking Tatay. Ipinikit ko ang aking mata at humingi ng tulong sa itaas.

Diyos ko tulungan n'yo po ako...

"Algea! Lumabas ka d'yan mahahanap din naman kita kaya wag mo na akong pahirapan pa!" sigaw niya.

Kailangan kong makaalis dito dahil ipagbibili ako ng masama kong Tatay sa kanyang kumpare para ipakasal sa anak nito. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya ito dahil napakabait nito sa akin kahit ng nabubuhay pa ang aking Ina, mas dumami pa lalo ang utang ni Tatay ng mamatay ang aking Ina dahil nahumaling ito sa sugal.

Hindi ko sya kayang pigilan dahil kapag ginagawa ko ito ay nasasaktan lamang ako kung hindi sampal ay suntok. Kaya kapag pumapasok ako sa eskwelahan ay paikaika ako kung maglakad. Palaging nagtatanong ang mga guro ko sa tuwing nakikita nilang nahihirapan akong maglakad at kapag may nakikita silang pasa sa pisngi ko. Palaging nilang sinasabi na isumbong na si Tatay sa mga Tanod dito aming barangay pero ang palagi kong sinasabi sa kanila ay wag na dahil baka magbago si Tatay hindi man ngayon pero umaasa pa rin ako pero mukang hindi na ito mangyayari dahil mukang mas lumala pa si sya. Ganon din sa mga kaklase ko at sa mga kaibigan ko, sobra silang nag aalala sa akin pero ngumingiti lamang ako sa kanila at sinasabing 'kaya ko pa'.

Hindi ko sya totoong Ama dahil iniwan si Ina ng totoo kong Ama ng ipinagbubuntis pa lamang niya ako hanggang sa nakilala niya ang kinikilala kong Ama na pinagbebenta naman ako.

Habang tumatagal palagi na lamang mainit ang ulo nito kapag kinakausap ko, malaki ang pinagbago ng ugali nito simula ng mawala si Ina dahil sa malubhang sakit. Kahit ako ay dinamdam ko ang din ito pero pinilit kong magpakatatag. Balak kong pumunta sa bahay ni Ate Roda ngayon para humingi ng tulong kaso mukang hindi dahil masyadong malayo ang kanila. Liblib na kasi ito ng aming bayan kaya kapag pumapasok ako sa eskwelahan ay hirap din ako dahil naglalakad lamang ako patungo sa eskwelahan lalo na kung umuulan dahil nagiging madulas ang daan.

"Lumabas kana dyan. Wag mong hintayin na magalit pa ako sayo naghihintay na si Pareng Makoy dito at yung anak niya"

Hindi pa rin ako umaalis dito sa pwesto ko nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa bibig ko kailangan kong makaalis dito. Ayoko dito. Pakiramdam ko hindi ako ligtas dito kaya kailangan ko talagang maakaalis. Siguro pupunta ako ng bayan kapag nakalabas ako dito, doon maraming makakakita sa akin hindi niya ako na masasaktan. Lumipas ang ilang oras ay hindi ko na narinig ang boses ng aking Tatay kaya naman ay lumabas na ako sa malaking puno at mabilis na tumakbo.

"Hah! Nandito ka lang pala"

Napahinto ako dahil sa may nagsalita sa likod ko , humarap ako dito ang lalaking pakakasalan ko daw lumapit ito sa akin at napaatras naman ako.. Ngumisi ito.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon