CHAPTER THIRTY EIGHT

37 5 0
                                    

IT WAS a perfect night for me. Having Eros on that night was romantically perfect, we had fun watching the stars while drinking milk and then him is wine, as usual.
We didn't argue about my classmates— he was very possessive, when someone asked, someone touched me even if it was an accident, stared at me for 2 seconds and, no one dared to smell my scent because it was for him. It's just for him. He is very territorial.

"You only have two weeks before your semestral break, saan mo gustong mag bakasyon?" si Eros habang pinag mamaneho ako papuntang university.

"Wala, siguro sa bahay lang sa Bulacan"

"Wala? Hindi mo ba gusto  na pumunta sa ibang lugar?"

"Sapat na naman sa akin na...kasama ka e, kaya bakit pa ako mag iisip ng pupuntahan?"

"You deserve to relax, I know, you've been busy this semester"

"Nakakapag relax naman ako e"

Tumingin siya sa akin ng ilang segundo bago tumingin sa kalsada. Itinaas niya ang kamay ko bago ito hinalikan.

Nagiging hobby na niya talaga ang pag halik sa kamay ko habang nag di-drive.

"Saan mo gusto mamayang dinner? I'll book a reservation"

"Sa Kremalè Rieals na lang" habang nakatingin sa unahan.

"Alright. Hihintayin kita by five"

"Sige"

Humarap ako sa kaniya pagka tanggal ko ng seat bealt.

"Kita na lang tayo mamaya" sabi ko habang siya ay parang walang pakealam sa sinasabi ko dahil ang buong atensyon niya ay nasa labi ko. "Eros, nakikinig kaba?!"

"Uh?"

Napabuntong hininga ako. Sinasabi na nga ba.

"Mamaya na lang—"

Mabilis niyang hinila ang likod ng ulo ko bago inilapat ang aking labi sa kaniya. Mabilis ito, may hinahanap.

Napasinghap ako nang nasa dibdib ko na ang kaliwa nitong kamay at marahang hinaplos ang dibdib ko. Iba ito kumpara nung lasing ako. Ngayon kasi ay walang anumang alak ang nasa katawan ko at alam na alam ko ang nangyayari ngayon.

Napatigil naman kami sa ginagawa nang may kumatok sa pinto ng passenger seat. Tinted naman ang sasakyan niya at hindi kami aninag sa loob pero kita ang nasa labas. Doon ay nakita ko si Dheasy na nakatayo at naka krus ang dalawang braso sa may bandang dibdib habang nag hihintay sa pag bukas ng bintana.

Hindi na ako lumingon kay Eros, mabilis kong inayos ang sarili ko at tiningnan ang mukha sa rearview mirror ng sasakyan. Sinipat ko ang ayos ni Eros nang makita na ayos na naman ang itsura niya ay ibinaba ko ang bintana ng kotse.

Nakasimangot naman itong tumingin sa akin.

"Bakit ang tagal mong bumaba?"

"Ah—"

"May pinag usapan lang kami." si Eros na ang sumagot.

Nakita ko naman ang pag irap ni Dheasy kay Eros bago niya ako tingnan.

"As if maniniwala naman akong usap lang. Hmmp! Bumaba kana nga diyan Algea!" masungit na sabi ni Dheasy.

"Tsss. Kulang sa lambing ni Singkit" narinig ko namang bulong ni Eros sa gilid ko.

"Mauna na ako Eros. Ingat ka sa pag di-drive. Mag te-text na lamang ako mamaya"

Bumuntong hininga ito at  parang ayaw pa akong paalisin.

"Fine. I'll text you. I love you"

"I love you, Eros." ani ko.

"The heck! We'll be late! Hello?" si Dheasy na kumakaway na sa amin.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon