CHAPTER THIRTY SEVEN

38 5 0
                                    

"ALGEA!" sigaw ng kung sino man sa field.

Pag lingon ko ay si Dheasy ito na kabababa pa lamang ng kotse na kulay itim. Ang pagkakaalam ko ay palaging kulay grey ang kotse na ginagamit ng driver niya.

Nag iba na yata.

Naglakad ako papunta sa kaniya pero laking gulat ko nang lumabas ang isa sa kaibigan ni Eros. 

Kung hindi ako nagkakamali ay si Aiku ito.

"Keep your eyes on her Algea. Sakit sa ulo ang isang yan"

Matalim na tingin ang ipinukol ni Dheasy sa kaniya. "Shut up your gross mouth. I have to go and this is the last time that you will drive for me"

"Uhm you're welcome babe. Tamang tama mainit ngayon, sakto lang ang pagiging cold mo"

"Shooo! I don't wanna ruin my Monday" pagtataboy nito sa binata.

"Fine babe. Alis na ako. Bye Algea" aniya.

Tumango at ngiti lamang ako sa kaniya bago ito umalis.

"Nakakabanas Monday pa lang"

"Ano nga palang nangyari sa party? Hindi ko alam na pupunta pala doon si Eros"

"Same. May mga lahi ba silang kabute? Bigla bigla na lang sumusulpot. By the way may nangyari daw sayo." aniya sa akin. Kita ko sa mukha nito ang pag aalala. "Ahm narinig ko lang kasi na nag uusap si chinito pangit at ang boyfriend mo"

"Chinito pangit?"

"Tss yung pangit na lalaki kanina"

"Ah si Aiku-"

"Don't say ugly word today Algea. Papangit na ang buong linggo ko niyan. By the way explain mo sa akin. Ayos kana ba?" aniya.

"Ahm medyo nalasing lang ako non. First time ko kasing uminom kaya sumama ang pakiramdam ko"

"I see. Dapat hindi kana pumasok. Okay kana ba?"

"Maayos na naman ako"

"Sabagay, perks of having a med student boyfie. Si Gela kaya? Hindi pa natawag sa akin ang isang yon"

"Baka nauna na sa room"

Madaming mga estudyante ang nagkukumpulan sa hallway malapit sa room namin.

"Nandito daw si Gerlan ngayon. Ang gwapo talaga. Sana nandito din si Aiku-"

"Ehem!  Excuse me!" mataray na sabi ni Dheasy bago tinarayan ang babae na nagsalita kanina. "You're not his type" last nitong sabi bago nagtuloy sa paglalakad.

"Ay akala mo naman kung sino. Kaya lang naman yan nagugustuhan ng famous dito kasi palagi siyang active sa pag e-entertain"

"What'd you say?-"

Hinawakan ko ang braso ni Dheasy.

"Huwag mo ng patulan Dheasy"

Tiningnan lamang niya ito bago nagtuloy sa paglalakad.

"Sinasabi na nga ba e. Kapag talaga nakikita ko ang lalaking iyon buong araw ko palaging nasisira" aniya sa kawalan.

Napatigil kami sa pagpasok sa room dahil nakita ko si Gela at Gerlan na nag uusap.

"Ohh I didn't know you have a date here. Pwede ba kaming pumasok Mr.? My classmates waiting at the hallway and godness you are making a scene here"

"Sorry Dheasy paalis na din sya" ani Gela.

Nag usap pa ang dalawa bago umalis ang lalaki.

Pabagsak na inilagay ni Dheasy ang bag niya.

"Urgh! My monday ruined. Okay. That's great as fvck!"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon