CHAPTER THREE

54 15 0
                                    

HINDI ko na pinaabutan na magliwanag bumangon na ako dahil mga ganitong oras ay gising na si Inay Frela dumiretso na akong kusina pero laking gulat ko dahil si Sir Eros lamang ang nakita ko doon at kumukuha ng inumin.

Tumingin siya sa akin kaya ako na ang unang bumati.

"Magandang Umaga Sir" sabi ko pero tinitigan niya lamang ako.

Oo nga pala ayaw nga pala niyang tawagin ko syang Sir.

"Magandang Umaga sayo...Eros" mahina ko lamang sabi sa pangalan niya.

"Good Morning" sabi niya at isinalin ang kinuhang inumin nakita ko kung anong klaseng inumin iyon.

Namumukaan ko ang ganitong inumin dahil mahilig si Tatay uminom at pamilyar na rin sa akin ang amoy nito.

Ganitong oras maglalasing na sya? Mukang hindi pa nga ito nag aalmusal.

"Si- Eros hindi ba masyado pang maaga sa ganan? Hindi ka pa siguro nag aalmusal" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan kaya naman bago pa niya ito mainom ay inagaw ko na ang baso at ang bote sa harap niya.

"Hindi pa pwede Eros wala pang laman ang tiyan mo" sabi ko sa kanya.

Napaatras naman ako ng mas lumapit sya sa akin at yumuko para magpantay ang aming mukha.

Ngumiti ito.

"Thanks for your concern....I don't know if this is right time but..never mind, forget it. Tss." sabi nito at tumalikod bago lumabas ng pinto kaya naman naiwan akong tulala mag isa dito sa loob ng kusina.

"Ha? Hindi ko na naman sya maintindihan. Bakit ba ang gulo gulo niya?"

Pumasok naman si Ate Frinda sa kusina at lumaki ang mata nito ng makita ang hawak ko.

"U-umiinom ka ng ganan?"

"Ah hindi Ate naabutan ko kasi si Eros na iinom ng ganito alam ko kung ano ang tawag di-"

"Eros? Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag mo lang siyang Eros?"

"Ah oo Ate Frinda iyon kasi ang sabi niya iyon lang daw ang itawag ko ganon din ang sinabi ng kapatid niya parehas ko silang hindi maintindihan"

Nakita ko naman ang pagkurba ng labi niya.

"Madali lang naman iyon intindihin ah...siguro type ka ni Sir Eros"

"T-type?"

"Natitipuhan ka ni Sir Eros iyon ang kahulugan ng type"

Napaismid ako sa sinabi niya.

"Hindi kaba naniniwala?"

Umiling ako.

"May sinabi sa akin si Eros.."

Napatingin ako sa may pintuan ng kusina ganon din si Ate Frinda.

Kinabahan ako akala ko bumalik si Eros si Sida pala.

"Si Sir Eros iyan ano?"

"Ito talaga ang chismosa"

"Oh kasalanan ko ba kung nahagip ng pandinig ko?" sabi niya kay Ate Frinda sabay tingin sa akin.

"Ano Algea anong sabi ni Sir Eros sayo liligawan kana ba niya?"

"Hindi Sida walang ganon na mangyayari"

"Ay bakit wala? Eh ano yung kanina na pinag uusapan nyo?"

"Ito kasing si Algea naabutan ko na may hawak na isang bote ng alak" sabi niya at tinuro pa ang hawak ko.

"Kay Sir na alak yan diba?"

"Oo pero pinigilan niyang uminom diba palagi naman niya iyon ginagawa?"

"Oo at hindi iyon nagpapapigil maski nga si Nanay Frela hindi sya mapatigil sa ganan tuwing umaga pero ikaw....iba ka talaga sa kanya Algea" sabi niya sa akin.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon