CHAPTER FIFTEEN

36 11 0
                                    

LINGGO ngayon kaya naman abala kami nina Inay Frinda, Sida at Ate Frela sa pagpapalit ng bagong kurtina kailangan kasi ng dalawa o hanggang tatlo na makakatulong sa isang kurtina dahil sa mabigat ito.

"Mag ingat ka dyan sa itaas Algea wag ka lamang titingin na dito sa baba dahil baka malula ka mahulog ka pa" si Nay Frela.

"Ayos na Nay Frela yung sa kabila naman"

"Ako na kaya sa isa Algea kinakabahan ako sa iyo"

"Wag na Ate Frinda kaya ko naman ito"

"Sigurado ka?"

"Oo Ate"

Apat na kurtina ang pinalitan namin sa may sala at sunod na inayos namin ay ang sa library ni Eros. Pumayag sya na palitan ang kurtina doon basta ay kasama ako sa maglilinis dahil alam ko ang bawal at pwede sa loob ng kanyang library.

"Kakatakot naman pumasok sa library ni Sir Eros bawal dapat ang masyadong magalaw dahil baka may mabasag kapa" sabi ni Sida habang nag gugusot kami nitong mga maninipis na kurtina. Nandito kami sa likod ng bahay.

"Kaya kapag pumapasok ako doon pino ang mga galaw ko dahil baka may mabasag ako"

"Sus para namang pagagalitan ka ni Sir Eros, eh isang ngiti mo palang tumba na si Sir Eros"

"Ayan na kana naman Sida hinahaluan mo na naman ng biro ang pinag uusapan natin"

Umiling iling na lamang ako habang nagkukuskos ng kurtina.

Minasahe ko ang aking likod pagkatapos kong maglaba. Napatigil naman ako bigla dahil nakita ko si Eros sa gilid ko na pinapanood na pala ako.

"Ah E-Eros nandyan ka pala. May ipagagawa kaba?"

"No. You look very tired just go to your room and rest-"

"Sir nandito na po sina Sir Luke" si Sida.

"Okay"

"Yow Eros the cold Man. How are you? Tuloy ba tayo ngayon?" sabi ng isang katamtaman lamang ang kulay.

Pamilyar ito sa akin, kung hindi ako nagkakamali ay pumunta na ito dati.

"We can go to your bar bro" sabi ng isang lalaki na singkit. Tumingin ito sa akin at itinagilid ang ulo.

"Who is she? Your new toy?"

"Shut up Aik" malamig na sabi ni Eros sa lalaki.

"Sya ang inosenteng girlfriend ngayon ni Eros"

"Really? That's good all of us now are in a relationship except to this childish Man" ani ng isang lalaki na may maskuladong pangangatawan. Tinuro nito yung lalaki kanina.

"Manahimik ka Luke nasa katinuan pa ako kaya wala pa akong girlfriend. Ang girlfriend, boyfriend time na iyan ay para lamang sa mga gustong mag drama sa buhay, ako? Wala akong panahon dyan kaya ayoko"

"So OA Man"

"We're going to my bar let's go. Doon natin gagawin ang plano" seryosong sabi ni Eros.

"Yon!"

Tumingin sa akin si Eros na may nangungusap na mata.

"Babalik ako kaagad. No need to work more just rest to your room"

"Mag iingat kayo" sabi ko.

Sumunod ako sa kanila hanggang sa labas at hanggang sa lumabas ang sasakyan nila sa gate.

Napapigtlag ako dahil naramdaman ko ang pagtusok ng isang bagay sa tagiliran ko paglingon ko ay si Sida ito.

"Uy mukang ayaw nyang paalisin si Sir Eros dito, abot hanggang sa labas ng gate ang tingin kanina eh"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon