CHAPTER ELEVEN

44 12 0
                                    

MAAGANG umalis ngayon si Eros at hindi ko na naman sya naabutan. Kagabi kasi ay pasado ala dyes na kami bumalik sa sari- sarili naming kwarto pagkatapos ng pag uusap namin at ngayon ay si Kuya Dante na ang naghatid sa akin sa school. Si Eliesh naman ay nauna ng pumunta sa kanyang room pagkatapos ko syang makita sa may parking lot kanina na kakapark pa lamang ng kanyang sasakyan.

Napangiti ako dahil sa nakasalubong ko sa hallway sina Quinafia, Vlovin at Loujah.

"Good morning Algea" masayang bati sa akin nina Loujah habang nasa likod naman nya sina Vlovin at si Qui.

"Good morning sa inyo"

"You're so beautiful, I have a question" si Loujah.

"Ano yon Loujah?"

"What's your skin care products?"

"Skin care?"

"You don't know that?"

"Ah hindi. Wala naman akong inilalagay na kahit ano"

"Really? I'm jelous to your skin" sabi pa nya.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nya.

Papasok pa lamang kami ng room ay may mga lalaki na nasa unahan ng pinto kaya naman hindi agad kami nakapasok at bahagya din akong napaatras. Napansin ko din ang mga dala nilang bulaklak.

"Guys your courtship is so early" si Vlovin na nakita kong nag ayos ng kanyang buhok papunta sa gilid ng kanyang tainga.

"Don't worry it's not yours, it's for Algea. Good morning Miss Ramos" sabi ng isang lalaki habang nakatingin sa akin.

Isa din ito sa kaklase ko sa isang subject pero halos sila hindi ko alam ang pangalan.

"I'm Suvillaz you can call me Llaz and of course teddy bear and flower, for you" sabi nya at itinapat ang dala nya.

Nagda-dalawang isip pa ako kung kukunin ko ba iyon dahil bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Eros.

"Ahm Algea? Kunin mo na, sayang effort nila" sabi ni Loujah sa tabi ko.

"Ah kasi..."

Hindi ko na nasundan ang sasabihin ko dahil sa kinuha na ni Loujah ang ibibigay sa akin at sya na mismo ang naglapit ng bulaklak sa akin.

"Don't be shy Algea it's normal. You're so pretty that's why"

Hindi ko nabilang kung ilan silang nagbigay sa akin ng teddy bear at flowers hindi lang naman ako ang mayroon ganon din sina Loujah, Quin at Vlovin, may pangilan ngilan din kasing nagbibigay sa kanila at lalo na si Loujah na sikat siguro sa social media dahil sa mga naririnig ko at marami ding nagpapapicture sa kanya.

Tumahimik narin naman ang mga kaklase ko dahil dumating na ang unang guro namin para sa unang subject.

Lumabas na ulit kami ni Lou sa room para tumungo sa susunod naming klase. Nauna na sina Vlovin at Qui dahil terror ang Prof nila. Ayun ang kwento nila sa amin ni Loujah.

Bago kami makapaglakad patungo sa papasukan naming room ay may humarang na isang lalaki sa amin.

Matangkad ito at nakasalamin maayos din ang pagkakahawi ng kanyang medyo bagsak na buhok at nanunuot din sa aking ilong ang pabango nito.

May inilibas itong paper bag galing sa kanyang likod at itinapat sa akin.

"For you Miss Algea. I think you're famous here because of your unique beauty. I like you, by the way I'm Edward" sabi nito sa malalim na boses at itinapat sa akin ang kanyang kamay.

Tiningnan ko lamang ito.

Napansin ko ang kanyang pag ngisi pero nawala din ito agad.

Nakita ko ang krus ng braso ni Loujah sa tabi ko.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon