NAGING maayos naman ang lahat ulit hindi ko na din naririnig ang mga bulong na madalas kong marinig nung nakaraang linggo.
Palagi akong nagdadasal na sana ay hindi na iyon bumalik pa gustong gusto ko ng alisin at kalimutan na ang nakaraan ko at hinding hindi na ako na babalik pa sa madilim na nangyari.
Kung may pampatanggal lamang ng mga nangyari sa akin noon gusto kong kunin at gamitin ang bagay na yon para hindi ko na maalala pa.
Ngayon ang araw na uuwi ako sa bahay. Masyado ko ng namimiss sina Nay Frela doon. Sabado ngayon at natapos ko na naman agad ang mga output ko kaya naman uuwi ako para makita sila.
Sinabi ko na ito kay Eros sa pamamagitan ng text dahil alam ko namang abala din sya at madami syang naka schedule ngayong araw, may meeting sya sa ka-business partner, bibisita sa isang construction site para sa ipapagawa niyang building at sa kaniya pang pag OJT sa isang hospital na kilala dito sa Maynila.
Naisip ko na din kanina na daanan siya at bigyan ng pagkain na niluto ko pero ang naabutan ko lamang doon ay ang kanyang secretarya dahil sa abala daw ito sa site kaya naman inihabilin ko na lamang.
Nag aalala ako sa kanya dahil sa masyado niyang pinapagod ang sarili niya pero wala naman akong magawa dahil siya lahat ang may alam ng business nila.
Pagkapasok ko sa isang supermarket ay pumunta ako agad sa may vegetable section dahil alam kong hindi pa nakakapunta si Nay Frinda sa palengke para bumili ng mga gulay dahil bukas pa ang schedule nito kaya naman ako na ang mamimili ngayon.
Nang matapos ko na ang pamimili ay hinintay ko na lamang si Kuya Dante na makadating dito sa supermarket dahil inutusan siya ni Eros na ihatid ako sa bahay.
Wala pang trenta minutos ay dumating na ito at dali daling lumabas para kunin ang mga pinamili ko at ialgay sa likod ng sasakyan.
"Pasensya na po Ma'am at medyo natagalan dahil may ginagawa po kasing kalsada diyan kaya natraffic ng kauntian. Kanina pa po ba kayo dito?"
"Nako ayos lang Kuya hindi naman ako naghintay ng isang oras dito"
Pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Dante bago sya pumuntang driver seat.
Habang tahimik ako dito sa may back seat ay tumunog ang cell phone ko at nakita ko ang pangalan ni Eros.
𝑁𝑎𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑛𝑎 𝑏𝑎?
𝐾𝑢𝑚𝑢𝑠𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑘𝑖𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚 𝑚𝑜?......
Isa isa ko itong sinagot para naman kahit papaano ay mabawasan ang pag iisip niya sa akin.
Natagalan nga kami ng ilang minuto sa kalsada na malapit lamang sa bahay dahil inaayos ito.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong agad ako nina Ate Frinda at Sida.
"Algea!" si Ate Frinda.
Kumaway ito sa akin at ngumiti.
"Tara sa loob nandoon si Mama" ani Ate Frinda.
"Kumusta ang buhay Maynila mo doon Algea? Masaya ba?" si Sida.
"Hindi naman ganon kasaya doon Sida, mas maingay ang paligid doon at liberated ang mga tao" paliwanag ko.
"Nga pala, sinabi sa amin ni Sir Eros na may nangyari sayo doon? Kumusta pakiramdam mo ngayon?" nag aalalang sabi ni Ate Frinda.
"Natakot ako Ate Frinda iniisip ko anytime pwrde sya bumalik. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko"
"Eh kung pumunta ka kaya sa isang espisyalista o kaya sa isang albularyo baka nasamahan ka" si Sida.
"Shh Sida, ano kaba?" si Ate Frinda bago tumingin sa akin. "'Wag mo na lamang pansinin ang sinabi ni Sida daan muna tayo sa may kusina para makita ka ni Mama bago ka pumunta sa kwarto mo"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.