CHAPTER FOURTEEN

44 13 0
                                    

MAAGA akong gumising para matulungan ko si Inay Frela sa paghahanda ng agahan at para maasikaso ko kaagad ang pagpunta ng mga kaklase ko.

"Ako na dito Algea. Umupo kana dyan parating na din naman si Eros" si Inay Frela.

Napatingin ako sa may pinto ng kusina dahil nakita ko si Eros na pawisan habang may hawak na towel. Lumapit ito sa ref at kumuha ng tubig.

"Maliligo lang po ako Nay bago ako mag aalmusal" aniya bago lumabas ng kusina.

Sumandok na ako ng kanin at ham para sa agahan ko.

"Magandang umaga" sabi ko pagkaupo nya.

"Good morning" aniya.

"Ah ngayon ang punta ng mga kaklase ko para sa gagawin naming report"

"Okay. Ipahahanda ko ang isang room-"

"Hindi na kailangan yon Eros sa hardin na lamang kami. Maayos kung sa hardin na lamang kami" sabi ko pa sa kanya.

Tumingin ito sa akin.

"That boy. Kasama ba?" tanong nya.

Sinong lalaki?

"Sino?"

"The one I see talking you"

"Ah si Llaz. Oo kagrupo ko sya"

"Tss" aniya na mukang may hindi gusto sa sinabi ko.

"Bakit may problema ba doon? Ayaw mong pumunta sya dito?"

"Yes pero wala akong magagawa doon dahil kagrupo mo sya"

"Hindi naman ako gagawa ng ikakagalit mo. Alam ko naman ang mga ayaw mo"

"That's good to hear" aniya at sumimsim sa kanyang kape.

Matapos kong mag agahan ay dumiretso ako sa kwarto para maligo na at pagkatapos makapag bihis ay lumabas na ako.

"Oh ayan na pala si Algea. Maiwan ko na kayo dito ha, magdadala na lamang ako ng pagkain" narinig kong sabi ni Inay Frela.

"Thank you po" si Suvillaz.

Napansin ko ang pagngiti ni Vlovin habang nakatingin sa paligid ng bahay.

"Good morning Algea" si Llaz.

"Good morning. Sandali kukunin ko lamang ang libro at notebook ko sa taas. Doon tayo sa hardin presko ang hangin doon" sabi ko sa kanila.

Pumunta muna ako sa hardin kasama silang apat para doon na lamang nila ako hihintayin.

Papasok na sana ako sa loob nang magsalita si Vlovin.

"Algea nandito ba ngayon si Eros?" tanong nya sa akin.

"Ah oo. Nandito sya"

"Okay" aniya kapagkuwan ay ngumiti.

"Tss" narinig kong sabi ni Loujah.

"Shut up Louj dapat kasi pinapansin mo na din ang iyong Mr. Nerdy Man"

Hindi nagsalita si Loujah pero kita ko ang pag ikot ng mga mata nito kay Vlovin.

"Maiwan ko muna kayo dyan" sabi ko.

Mabilis akong pumasok sa loob at tumungong kwarto para kunin ang mga kakailanganin ko para sa report namin. Paglabas ko ay naabutan ko si Eros na nasa tapat ng kwarto ko.

"They here?"

"Ah oo, bakit may ipagagawa kaba?"

"Nothing. You may go. I'm watching you" aniya sa seryosong mukha.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon