CHAPTER TWENTY TWO

31 11 0
                                    

NIYAKAP ko ang aking sarili nang makaramdam ako ng lamig. May nakapa akong kumot kaya mabilis ko itong ibinalot sa katawan ko. Napatigil naman ako dahil naalala kong nasa library nga pala ako ni Eros.

Mabilis kong iminulat ang aking mata at tiningnan ang paligid. Nandito pa rin ako pero may kumot na at iilang unan.

Tumingin ako sa may lamesa ni Eros at nandoon parin sya habang nakatutok sa ginagawa nya ang isang ilaw at seryoso sya sa pag gawa non.

Desidido talaga sya.

Umupo ako at binalot ulit ang kumot sa katawan habang pinapanood sya sa ginagawa.

Madilim sa parte ko dahil pinatay nya ang ilaw habang natutulog ako. Halata naman na sya ang gumawa non.

Kita ang seryoso nitong galaw at ganon din sa mukha nya na binagayan ng salamin.

Sumandal ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa kanya.

Napansin ko ang  pag stretching nya sa kamay at tumayo na. Siguro ay tapos na sya.

Tumingin sya akin at mabilis akong humiga.

Shit!

Bakit mo ginawa yon Algea? Kita kana din naman nya?

May narinig akong tunog na nagmumula sa kanyang sapatos.

Nagulat ako ng umupo sya at tumingin sa akin. Kahit madilim dito ay nasa isip kong nakangiti sya.

"So why are you hiding yourself from me? Enjoying the scene earlier?" aniya sa malagom na boses na medyo paos.

"Ah hindi ko alam....b-bigla ko na lang nagawa"

"Silly baby. Let's go in the kitchen. You should drink milk" hinawakan nya ako sa braso para tumayo pero umupo muna ako.

"Ah Eros mag rereview pa ako"

"I know because your sleeping hours is much than to your review hours. I'll review you later" aniya.

Hinawakan ako nito sa braso at sumunod sa kanya sa kusina.

Umupo ako sa stool habang nakatalikod sya sa akin habang naglalagay ng gatas sa tasa.

"Here hot milk" aniya at ipinatong sa tapat ko ang gatas. Sya naman ay kape.

Pinanood ko ang bawat galaw nito at napapansin kong parang wala lang sa kanya ang ginawa kanina.

Teka mahigit dalawa o tatlong oras din yon.

"Do you find me hot baby girl?"

"Ouch!" Nabigla ako sa pag inom ng gatas nang sabihin nya iyon.

Letse ano yon?

Maagap itong tumayo at kumuha ng tissue pagkatapos ay pumunta sa harap ko at pinunasan ang labi at kamay ko. Tiningnan niya din ito para tingnan kung napaso ba ako.

"Be careful baby. It's hot. I told you earlier it's hot. Wag mong inumin na parang tubig na malamig. Bakit ka nagmamadali?" Sunod sunod na sabi nito.

"Hindi ako nagmamadali"

"What do you call about this?"

"Na....ahm.... inaantok pa ako" agad kong sabi sa kanya. Akala ko ay hindi na ako makakasagot sa kanya.

"That's not a true answer"

"Bakit ba kailangan pang malaman yon? Lahat naman tayo napapaso"

"You got a point. Pero alam kong ayaw mo lang malaman ko ang dahilan" aniya pagkatapos nitong punasan ang kamay ko.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon