CHAPTER SEVEN

52 13 0
                                    

NAKAHAIN na lahat sa hapag ang mga niluto namin ni Inay Frela ako na din ang nagprisinta na magluto ng ulam na paborito ni Eros dahil gusto ko ulit magpasalamat sa kanya dahil sa sabi ni Miss Veriona kahapon ay malaking improvement ang ginagawa ko sa pag aaral ganon din sa lenggwaheng English kaya naman paminsan minsan ay nasasagot ko na din si Eros kahit maiksi lamang na English.

"Hija tawagin mo na si Eros para makapagsimula na tayong kumain" si Inay Frela pagkalagay nya sa niluto kong sinigang na baboy.

"Sige po Inay"

Pagkatungo ko sa tapat ng kanyang silid ay kumatok ako wala kasi sya sa kanyang library dahil nagpaalam ito kanina na tutungo lamang sya sa kanyang silid.

"Eros.." sabi ko at kinatok ang pituan ng kanyang kwarto.

Ilang segundo ang lumipas pero walang sumasagot kaya naman kumatok ulit ako at tinawag ang pangalan nya.

"Eros-"

Napatigil ako ng buksan na niya ang pinto pero napatingin din naman ako sa aking gilid dahil sa wala itong suot na pang itaas.

"Sorry. I forgot narinig ko kasing tumatawag ka. Kalalabas ko lang sa ng shower room"

"Okay lang ahm...k-kakain na kasi kaya ako pumunta dito"

"Susunod ako" sabi niya.

"S-sige"

"Wait" narinig ko pang sabi nya.

Tumigil ako at humarap sa kanya pero sa aking kamay ako nakatingin.

"Look at me"

"Bakit?"

"Gusto kong tingnan mo ako"

"P-pero naka hubad k-ka"

"Nakasuot na ako ng shirt"

Unti unti ko syang tiningnan at nakita ko ang kanyang mukha na malalim na nakatingin sa akin.

"Namumula ka" sabi niya habang tinitingnan ang aking mukha.

"Ah siguro naiinitan lang ako"

"Totoo? Bakit parang hindi?"

"Ah sige na pupunta na ako sa k-kusina"

Mabilis akong tumalikod sa kanya at nag lakad na pabalik sa kusina pero bago ako makahinga ng maluwag ay hindi ko napansin na nakasunod na pala sya sa akin. Nahalata nya siguro ang pagka gulat ko dahil sa biglaang paghawak nya sa aking braso.

"You scared?" tanong nya.

Naiintidihan ko ang sinasabi niya kaya hindi na mahirap sa akin na sagutin sya sa sinabi niya sa akin.

"Hindi ako natatakot Eros at saan naman ako matatakot?"

"Sa akin?"

"Sayo? Bakit na nanakit kaba?"

"Sometimes.."

"Sometimes? Hindi naman minsan Eros dahil diba nakikipag laban ka? Kaya Always yon"

Narinig ko ang pagtawa ni Eros sa sinabi ko.

"Bakit may nasabi ba akong mali? Diba tama naman yung salita na ginamit ko?"

"Yes tama ka Algea pero hindi sa pakikipag laban ko mismo ang tinutukoy ko"

"Eh kung ganon saan?"

"Bed" simple nyang sabi.

Sa kanyang kama?

"Ano? Nakikipag laban ka sa kama?"

Napangiti ito sa sinabi ko.

"It's not the right time baby. Let's go in the kitchen they're waiting"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon