CHAPTER THIRTY THREE

43 13 0
                                    

KATATAPOS lamang ng isa kong klase at dalawang oras ang vacant ko kaya tumungo muna ako dito sa bench na malapit sa parking lot.

Dito ko na lamang aantayin si Eros.

Hindi naman hectic ang schedule nya ngayon kaya naman pupuntahan niya ako dito sa campus at sabay na kaming mag lu-lunch.

Si Dheasy at Gela naman ay may ibang pupuntahan kaya naman napag usapan namin na sa room na lang kami magkita mamaya.

Habang naghihintay kay Eros ay para pampalipas oras ay binuksan ko ang cell phone at nagtungo sa social media.

Biglang may nag pop na notification dito.

Si Llaz.

Matapos kong tingnan ang profile nito. Hindi ito masyadong nag popost dahil 5 photos lang at puro dahon at ulap lamang ang kuha pero madami syang followers. Agad ko namang inaccept yun at finollow na din sya.

Mayamaya ay nag compose ito ng message.

'Hi Algea!'

Agad ko namang itong nireplyan ng 'Hello'

'Nag lunch kana?'

'Ahm hindi pa. Kasama ko si Eros mag lunch'

Hinihintay ko pa ang pag respond ni Llaz bago ko napansin ang dalawang pares ng itim na sapatos sa una ko.

Agad akong nag angat ng tingin at nakita ko si Eros na seryosong nakatitig sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa parehas na bulsa ng pang ibaba niyang suot.

"A-andyan kana pala. Hindi ko napansin sorry-"

"Hindi mo napansin dahil busy kaka type sa cell phone mo. Seems like its very important that's why you are serious" malalim nitong sabi.

"Sorry. Isang kabigan lamang iyon"

"Friend?" Itinagilid niya ang kanyang ulo.

Nakatayo na ako at hindi pa din sapat na tingnan ko sya ng ayos dahil hanggang bibig niya lamang ang tangkad ko.

"Ahmm si Gela. Pinag usapan lang namin na sa room na lang kami magkita mamaya" dahilan ko.

Tumango ito na mukang naniwala naman sa sinabi ko.

Nagsinungaling ako.

Alam ko kasing kapag sinabi ko na si Llaz ito ay magagalit na naman sya at ayokong mangyari ulit yon.

Kinuha niya ang bag ko at pinagbuksan ng pinto bago sya nag tungo sa driver's seat.

"Saan mo gusto kumain?"

"Kahit saan Eros. Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Anong oras ka pala uuwi mamaya?"

"5 kaya ako na ang magsusundo sa iyo mamaya. Hindi ka din masusundo ng driver mo dahil nasa vulcanizing shop pa" paliwanag niya.

Seryoso itong nag mamaneho.

"Galit ka pa rin ba?"

"Give me one reason para magalit ako sayo?"

Siguro dahil sa kanina.

"Yung kanina ba?"

"Bakit naman iyon ang naisip mong rason?"

"Wala lang. Naisip ko lang"

"So guilty ka?"

"Ha?"

"Nothing" simple niyang sabi.

Pagkarating namin sa restaurant ay may agad na lumapit na waiter.

Simple but classy ang lugar na ito hindi naman sya kalayuan sa school so hindi naman sya hectic puntahan kung sakali mang maulit ito.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon