TAMA ba ang narinig ko?
Bakit naman iyon ang gusto nyang kapalit? Uminit ang pisngi ko dahil sa naalala ko ang nangyari noon nung hinalikan niya ako. Hanggang ngayon walang nakakaalam sa nangyari parang ayokong sabihin kay Ate Frinda dahil nahihiya ako at baka masabi nya pa kay Inay Frela at ayoko din iyon naiilang kasi ako.
"Ah p-pwedeng bang luto na lang?"
"That's what I like, hindi mo ba ako pagbibigyan?" aniya at ipinatong ang kanyang isang braso sa lamesang nasa harapan ko.
"K-kasi hindi ako komportable....hindi ko kaya" sabi ko at yumuko.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
"Hindi kita pipilitin Algea I'm just joking" aniya.
"Ahmm kung ganon pupunta na ako sa kwarto para ilagay itong gamit ko at para makaluto narin ako...nga pala galit ka pa ba sa akin?" sabi ko sa kanya.
Tumitig ito sa akin ng ilang minuto bago nagsalita.
"I'm not mad. I'm jelous"
"Ha? Saan naman?"
Bakit naman sya magseselos? At saan?
"To your suitors"
"Bakit naiinggit ka? Kasi may manliligaw ako?"
Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng kasiyahan.
"Anong nakakatawa doon? Eh diba sabi mo nagseselos ka?"
"Sige Algea pumunta kana sa kwarto mo para masimulan mo na ang gagawin mo"
Ito na naman, mukang iniiwasan ang tanong ko pero wala na akong nagawa at inayos ang gamit ko sya naman ay pumunta sa lamesa nya.
Pagkapasok ko sa kwarto ay ipinatong ko ang aking gamit sa maliit kong lamesa bago lumabas.
Medyo madilim ang kalangitan at tama lamang ang iluluto ko dahil umuulan ngayon masarap ang may mainit na sabaw tuwing umuulan dahil ito palagi ang sinasabi ko kay Ina noon.
Pagkapasok ko ay si Inay Frela ang nakita ko sa loob.
"Hija anong gagawin mo? Tapos kana ba sa pag aaral ng aralin mo?"
"Opo Nay tinulungan po ako ni Eros"
"Kung ganon magluluto kaba?"
Pumunta ako sa tabi ni Inay Frela at binuksan ang ref para sa gagamiting sangkap.
"Opo Nay yung paborito nya"
"Sya sige. Patapos na naman ako dito titingnan ko yung dalawa at baka puro pag uusap na lamang ang iniintindi"
"Sige po Nay"
Ipinuyod ko ang aking buhok para hindi sagabal kahit pa medyo magulo ito ay hindi ko na lamang pinansin. Naghugas muna ako ng kamay bago ang mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto.
Tahimik akong naghahalo nitong niluluto kong sinigang na baboy nang may marinig akong paparating dito kaya naman humarap ako nagulat ako ng malapit na sa akin si Eros na nakatitig sa mukha ko pero bumagsak din ang kanyang tingin sa aking labi.
Hindi din naman ito nagtagal dahil umiwas sya na mukang nasilaw at nag iba ng direksyon na pupuntahan.
"Ahm hindi pa ako tapos magluto"
"Hindi naman ako nagmamadali Algea" aniya at kumuha ng malamig na tubig bago ininom ito.
"I'll take a shower after that bababa ulit ako para kumain dito" sabi niya.
Hindi na ito nakatingin sa akin at nakita ko ang pamumula ng tainga nito bago tumalikod palabas.
Anong problema niyon?
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.