NGUMINGIWI ako habang binubuksan ang mga paper bags na regalo sa akin ni Gela at Dheasy. Isang pulang lingerie ang nakalagay sa binuksan kong paper bag na galing kay Dheasy na may nakalagay pang, 'Enjoy the night. Roar!'
Dalawang paper bag ang ibinigay sa akin ni Dheasy. Ang isa ay nighties na kulay itim naman. Ang kay Gela naman ay two set ng undergarments. Black and red ang kulay.Hindi naman siguro sila nag usap sa color, ano?
Tiniklop ko na lamang ang mga ibinigay nila sa akin at ibinalik na sa paper bag.
Pagkatapos na pagkatapos ko ay bumukas na din ang pinto ng banyo at lumabas doon si Eros na tanging puting tuwalya lamang na nakapulupot sa kaniyang baywang ang nakalagay. Habang ang isa naman niyang kamay ay hawak ang towel na kinukuskos sa kaniyang buhok para matuyo. Agad naman akong nakaramdam ng kaba.
Lumapit siya akin at ngumiti, ilang saglit pa ay hinalikan na niya ang aking labi. Dalawang minuto din ang itinagal ng halik bago niya ito tinigil at pumunta sa kabilang sulok ng kama.
Inayos ko muna ang suot kong damit bago mahinang humiga sa kama. Naka padyama ako dahil dito ako mas komportable kaysa do'n sa mga ibinigay sa akin ni Dheasy.
Tiningnan ko si Eros na nakatalikod pa din sa akin at tanging ang hubad na likod niya lamang ang aking nakikita na habang may ginagawa siya ay nag fe-flex ang mga muscle niya sa braso. Malaki din naman ang braso ni Eros dahil bumi-bisita din ito sa gym. I think, madalas siya doon kapag gusto niyang mag release ng stress. One time, sinabi niya sa akin na ganoon ang ginagawa niya kapag overload na talaga ang nangyayari sa kaniya araw-araw.
Narinig ko ang malalim na pag hinga niya bago tumayo at kumuha ng damit. Hindi ko na din s'ya tiningnan ulit dahil mabilis niyang hinubad ang twalya na nakalagay sa kaniyang baywang.
Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.
"Shy? It's not the first, my wife" aniya.
Hindi pa din ako tumitingin sa kaniya at tanging sa lamp shade lamang ako nakatitig.
"I'm done my wife," halos pabulong na niyang sabi. "P'wede mo na ulit akong titigan." Kilabot naman ang naramdaman ko sa sinabi niya.
Unti-unti ko siyang tiningnan.
Lumubog ang parteng gilid ng kama nang umupo siya. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa makahiga na din siya. Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay niyakap.
Bumaba ang tingin niya sa aking labi bago tumingin sa mga mata ko. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lamang na lumapat na ang labi niya.
Suddenly, I felt tension around my body. It's freaking good.
He wrapped his arms around my body while kissing me. I moan when he creates a line on my tummy using his index finger.
He stopped kissing me and stare at me for a second.
"I love you, my wife" he said in a baritone voice.
"I love you so much, Eros" sabi ko sa hinihingal na boses.
Hinalikan niya ulit ako at niyakap ko naman siya nang mahigpit.
Hindi ko alam kung hanggang saan kami, basta ang importante sa akin ngayon ay makasama siya at ngayong kasal na kami ay sabay na naming haharapin ang lahat ng problema.
Tulad ng bituin, nagsisilbi ding ilaw sa madilim kong nakaraan si Eros. Siya ang nagbigay sa akin ng liwanag upang magsimulang muli. That's why this person belongs to me. He's half of my life.
Nakangiti akong nag inat ng katawan at hinawakan ang kabilang side ng kama. Nagmulat naman agad ako nang walang Eros ang nakahiga doon.
Anong oras na ba?
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.