CHAPTER FOUR

51 18 0
                                    

HINDI ko na naman sya naabutan ngayong umaga sabi ni Nay Frela alasingko pa lamang ay umalis na ito.

Ganon ba sya karaming ginagawa kaya madaling araw pa lang ay umaalis na sya?

Pagkatapos naming mag usap kagabi ay naging maayos na naman ako kahit kaunti pero hindi parin ako ganoong naniniwala sa sinabi niyang rason kung bakit sya nakikipag suntukan, katulad ng kanyang kaibigan.

Palagi na lamang syang abala ganon nga siguro kapag medisina ang pinag aaralan na alala ko tuloy nung nag aaral pa ako hanggang sa makapagtapos ako ng highschool hindi na ako nakapag aral sa unang taon ko sa kolehiyo dahil nga sa hindi na ako pinayagan pa ni Tatay na mag aral dahil na din sa wala na kaming pera at may mga utang pa si Tatay kaya naman tinanggap ko na lamang na hindi na ako makakapag aral pero gusto ko ulit ituloy iyon gusto ko ulit mag aral siguro maghahanap ako ng trabaho na iba para magkaroon ng pera para sa pag aaral ko.

"Inay Frela" tawag ko sa kanya na nagdidilig ng mga halaman ako naman ay nananahi dito sa may upuan.

"Ano yon anak?"

Natuwa ako sa sinabi niya madalas na ako nitong tinatawag na anak si Ate Frinda naman ay tinuturing ko na din na kapatid kaya Ate na ang tawag ko si Sida naman ay ayaw niyang tawagin ko syang Ate dahil mas nararamdaman niya na sobrang tanda na niya dahil sa tinatawag din syang Ate ng dalawa sina Irene at Everlyn, dalawang taon ang tanda sa akin ni Sida kaya sabi niya wag na lang daw.

"Kung maghanap po kaya ako ng trabaho" sabi ko at tumingin ulit sa tinatahi ko.

"At bakit naman?"

"Gusto ko po kasing mag aral ulit"

Itinigil muna ni Inay Frela ang ginagawa at tumingin sa akin.

"Maganda ang naisip mo Algea pero anong trabaho naman?"

"Hindi ko pa po alam eh, maghahanap palang po ako"

"Nasabi mo na ba ito kay Eros?"

"Ahm hindi pa po"

"Paniguradong hindi ka papayagan non bago ka palang dito sa Maynila hindi mo pa gaanong kabisado ang buhay dito ang mabuti pa sabihin mo na lamang iyan kay Eros mamaya pagbalik niya"

"Ayoko po Inay Frela"

"At bakit naman?" sabi niya bago bumalik sa ginagawa.

Hindi ako nagsalita sa tanong niya.

Basta ayoko.

"Dahil ba sa nahihiya ka?"

Mabilis akong tumingin kay Inay Frela dahil sa sinabi niya.

"Hindi po ako nahihiya Inay Frela ayoko lang po kasi na kahit doon ay tulungan niya pa ako"

"Mabait si Eros paniguradong mabilis pa sa alaskwatro ang pagtulong niya lalo pa at ikaw iyon" sabi niya.

Ngumiti ito at mukang alam ko na ang ibig nitong sabihin.

"Nay Frela...alam ko ang iniisip nyo"

"Aba ay talaga naman na bagay na bagay kayo ni Eros, hija hindi lang naman ako ang nakakakita ganon din sina Frinda, at Sida"

"Wala pa po sa ganan ang iniisip ko ang tanging gusto ko lang po ngayon ay makapag aral"

"Basta hija nandito lang ako tutulungan kita kung gusto mo talagang mag aral"

"Salamat po Inay Frela"

Pagkatapos ko sa pananahi ay tumungo naman ako sa kusina balak ko sanang ipagluto si Eros gusto ko lang naman bumawi sa kanya.

"Paborito ba kamo ni Eros?" si Inay Frela.

"At bakit mo naman gusto na ipagluto si Sir Eros ngayon Algea?" sabi naman ni Sida na nagbabalat ng gulay.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon