NAKAPATONG ang aking ulo sa balikat ni Eros habang nasa may eroplano kami. Marahan niyang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kaniyang mga daliri habang ang kabila naman niya ay nakahawak sa aking kamay.
Ito ang kauna-unahang pagsakay ko sa eroplano kaya naman natatakot talaga ako.
"Feeling better?" aniya Eros sa uluhan ko.
"Uhm. I'm fine,"
Sobrang lamig ng kamay ko kanina nang maramdaman ko ang pagtaas ng eroplano buti na lang talaga ay mabilis si Eros at hindi niya ako pinabayaan na matakot na lang.
Idinaan ko na lamang sa saglit na pagtulog ang nararamdaman kong takot.
Mahinang haplos at halik sa pisngi ang naramdaman ko kaya napamulat ako.
"Pababa na tayo" aniya sa medyo paos nitong boses.
Inayos ko ang aking pagkakaupo at kasunod niyon ay ang aking buhok. Napahawak ako sa braso ni Eros nang maramdaman ko ang pagbaba ng eroplano.
"Hush! I'm here." aniya habang hinahalikan ang noo ko.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng eroplano ni Eros habang ang mga dala naming maleta ay ipinakuha na nito sa assistant niya.
Pagkapasok namin sa airport dito sa Siargao ay napansin kong nakatingin sa akin si Eros.
"Are you okay? Hindi kaba nahihilo?" tanong niya.
Ngumiti ak0 habang nakahawak pa din sa kamay niya. "Hindi ako nahihilo Eros, siguro magpapahinga muna ako pagkadating natin sa hotel" ani ko.
"Okay then, pupunta na tayo sa hotel—"
Naputol ang pagtitig ko kay Eros nang sumigaw si Dheasy.
"Algea! Wait!" sigaw ni Dheasy sa pangalan ko. Nilingon ko naman ito galing sa likurang direksyon ko. Hawak nito ang kaniyang red dior bag na naglalaman ng kaniyang makeups at mga skin care products dahil alam kong hindi ito mawawala sa kaniyang bag na bitbit. Tumakbo ito na mukang may humahabol.
"Bakit? Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?" tanong ko sa kaniya habang tumitingin din sa likod niya kung may kasama siya.
Hindi kasi kami magkakasama na pumasok sa airport, mukang nauna na si Gela at ang boyfriend nito na umalis.
"Sasabay ako sa iyo. Magkasama na lang din tayo sa iisang room—"
"No Dheasy. She's with me. Kami ang magkasama. Also, you are with Aiku. Si Aiku ang kasama mo kanina sa manila, si Aiku din ang makakasama mo hanggang dito sa Siargao. Kailangan na namin umalis, gusto ng magpahinga ng asawa ko." paliwanag ni Eros. Hindi ako mas nag pokus sa ibang sinabi niya, doon lamang sa huli niyang sinabi ang binigyan ko ng pansin.
Asawa ko?
"But—gosh! I have no choice kundi sumama sa friends ko. Argh! Nakakainis. Damn him and his blackmail to me," pagalit na sabi ni Dheasy. Tumingin ito sa akin. "Sorry Algea, magkita na lang tayo mamaya. Mauna ako."
"Oh? Hindi mo ba hihintayin si Aik—"
"The hell I care for him!. Malaki na siya Algea. Siguro sa hotel na lang muna ako. Bye!" aniya at mabilis na umalis doon. Nakita ko naman siya na sumakay sa sasakyan hanggang sa makaalis na.
"Hindi na ba talaga magkakaayos ang dalawang iyon?"
"I don't know. Basic lang ang mga ganyang ugali kay Aiku. Sigurado akong may plano siya para putulin ang isip batang ugali ng kaibigan mo"
"Hindi naman isip bata ang ugali ni Dheasy"
"Well let's see. Tayo na? Alam kong gusto mo ng matulog"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.