CHAPTER FORTY FIVE

43 1 0
                                    

MABILIS akong nagtungo sa banyo para ilabas lahat ng kinain ko. Nagising na lang ako na parang babaliktad ang sikmura ko at hindi ko na talaga kayang pigilan. Hindi ko na din nagawang buksan agad ang ilaw dahil ramdam kong lalabas na.

Naisuka ko lahat nang mapaharap sa inidoro.

Ilang saglit pa ay lumiwanag sa loob ng banyo at nakita ko sa may pintuan si Eros na nakatayo at nakakunot ang noo.

"What happened? Are you okay?" mabiliw s'yang nagtungo sa akin at hinaplos ang likod ko.

Hindi ako nakasagot dahil ito na naman ang sikmura kong patuloy na inilalabas ang natitirang laman sa tiyan ko.

Ilang saglit pa ay halos puro tubig na ang nalabas.

Hiningal akong napaupo sa tapat ng inidoro.

Kumuha ng tissue si Eros at pinunasan ang bibig ko. Inayos din niya ang buhok ko at inilagay ito sa aking likod.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo kaba? Nasusuka pa din? Wife."

"Bumaliktad lang yung sikmura ko. Dahil siguro sa nakain ko kanina, b-baka napadami"

"Let's go to the hospital?"

Umiling ako. "Huwag na Eros, maayos na naman ang pakiramdam ko e"

Itinapat niya sa aking mukha ang nag aalalang mukha niya. "Are you sure? Hindi din ako makakampante kung maulit man ulit ito." seryoso niyang sabi.

"Ayos na ako, halika na ulit," hinawakan ko ang kaniyang braso para makatayo ako. "Gusto ko na ulit matulog" sabi ko.

Bago kami lumabas sa banyo ay naghugas muna ako ng bibig at gumamit din ng mouth wash dahil lasa ko pa din ang asim.

Nang makahiga na kami ay niyakap niya ako at hinalikan sa noo bago sa labi.

"I love you, my wife"

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinalikan sa kanyang ilong. "I love you too, my husband."

Nakita ko ang pakislap ng kanyang mata at pagsilay ng kanyang ngiti sa labi bago ko ipinikit ang aking mata.

I stretch my body to have a relaxing morning. Ito na yata ang pinakamagandang pag gising ko sa umaga. Nakita ko ang hinigaan ni Eros, wala na ito dito. Siguro ay nauna ng umalis sa akin at hindi na ako ginising.

Napatingin ako sa cell phone niya na nasa gilid ng kama.

"Kung nandito ang cell phone niya, e 'di nandito pa din si Eros" wala sa sarili kong sabi.

Umalis ako sa pagkakahiga at kinuha ang clamp ko sa gilid ko at inipit sa buhok bago nag toothbrush muna at lumabas na ng kwarto namin.

Naabutan ko siyang may dalang pinggan at sa kabila niyang kamay ay ang dalawang baso. Palabas ito at wari ko'y sa may hardin niya dadalhin ang dala.

Sinundan ko siya at nagulat naman ito nang humarap s' ya sa akin.

Nagtungo ito sa akin at hinalikan ako sa labi pagkatapos ay niyakap.

"Wala kabang pasok ngayon sa opisina?"

"I have, but I want to stay here with you"

"Pero baka kailanganin ka doon"

"My secretary know how to handle it," aniya at inipit ang ilong ko. "Kumain na tayo, lalamig ang niluto ko"

"Ano bang niluto mo?"

"Caldereta"

"Huh? Talaga?," tanong ko.

Pinaghigit niya ako ng upuan at pinagsandok pa ng kanin.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon