CHAPTER FORTY FOUR

30 1 0
                                    

Warning: R18

Malamig na hangin ang dumadampi sa aking pisngi habang naglalakad palabas sa isang abandonadong gusali. Hindi ko napigilan na umiyak at ilapag muna saglit ang kahoy na dala-dala ko.

Gamit ang pinunit na tela ng laylayan ng damit ko ay pinunasan ko ang konting dugo na nagmumula sa aking hita.

Dugo?

Ano?!

"Algea!, are you awake? I have to go na sister-in-law!" si Elie.

Umupo ako galing sa pagkakadapa. Agad ko namang kinapa ang aking dibdib nang maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

Anong klaseng panaginip ba 'yon? Hindi maganda. Siguro ay dala lamang ng pagod dahil pasado alas dos na ng madaling araw ako natulog.

Tatlong katok ang nagpa gising sa diwa ko.

"Algea?"

Pinasadahan ko ng ayos ang aking buhok para i-bun at ipitan gamit ang beige clip na nasa gilid ng aking kama.

"Hi, sorry kakagising ko lang" ani ko na alanganin pang ngumiti.

Matamis naman itong ngumiti sa akin. Napansin ko naman agad ang dala niyang camera. Palagi naman. Hindi na ito mahihiwalay sa kanya.

"Good morning. Ngayon pala ang flight pabalik ni Kuya dito, ngayon naman ang alis ko. I have 2 class today. Sa condo na ako di-diretso nasabi ko na kay Kuya. Are you okay here?"

Tumango ako habang pasimpleng sinuklay ang dulo ng aking buhok dahil medyo gulo. "Oo naman. Salamat sa pagsama sa akin habang wala ang kuya mo, at saka may pasok din naman ako. Around 9:30"

"Good. Kita tayo next time, sister-in-law. I wish maging tita pretty na ako," aniya at niyakap ako. "Una na ako."

"Ingat ka"

Sinundan ko pa siya hanggang sa may pinto at nang lumabas na ito ay sinigurado kong nakasara ito.

Mahirap na kahit private ang lugar na ito ay hindi pa din mawala sa isip ko ang masamang pwedeng mangyari sa akin.

Inilagay ko ang aking natirang buhok sa gilid ng aking tainga.

Inayos ko ang kama na pinaghigaan ko at kinuha ang tuwalya para maligo. Pagkatapos ay pancake at gatas lamang ang aking almusal.

Napatingin ako sa wall clock malapit sa pinto ng kusina. Alas sais palang pala mayroon pa akong magagawa ngayong araw.

Kinuha ko ang laptop sa may kabinet sa ilalim ng aking mesa sa kwarto at lumabas muli papunta sa sofa.

Naghanap ako ng magagawa kong cookies kung sakaling mag simula ako ng pang negosyo. Magiging malaking tulong din nito sa akin. Kumuha ako ng notebook at doon inilagay ang lahat ng ingredients para sa nagustuhan kong gawin.

Hindi ko namalayan ang oras at pasado alas otso na din pala kaya naman tumayo na ako para makapag ayos na.

Napatigil ako nang pagkasuot ko ng aking skirt. Mukang sumikip ito ngayon sa akin.

Tumingin ako sa salamin na nasa kwarto. "Tumaba ba ako?"

Nang naibutones ko ang aking skirt ay hindi din naman ako kumportable. Bahala na nga, kailangang naka uniporme kami ngayon.

Hays!

Mabilisang kilos na ang ginawa ko para hindi ako mahuli. Bago ako umalis ay kinuhanan ko muna ng litrato ang aking sarili. Nakatatlo pa akong ulit dahil naiinis ako sa pisngi ko dahil pati ito ay tumaba na din.

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon