CHAPTER EIGHT

40 14 0
                                    

MASAYA ako pero may katabing lungkot, masaya dahil natapos ko na ang dalawang buwan na pag aaral ko na dito lamang sa bahay malungkot naman dahil ngayong araw na pala ang huling turo sa akin ni Miss Veriona.

"Malaki ang naging improvement mo Algea I'm so happy that you learn something at ganon din naman ako sayo. I hope magkita pa ulit tayo"

"Of course Miss Veriona. We will meet again. I'm correct Miss Veriona?" sabi ko habang nakangiti.

Mas lalong lumapad ang ngiti nito ng magsalita ako sa lenggwaheng English.

"Yes" sabi niya at may konting tawa sa dulo.

"Okay. I gotta go-"

"Wait Miss Veriona" sabi ko sa kanya at may kinuha sa lamesa na nandito sa hardin.

May isang kahon doon kinuha ko ito at itinapat sa kanya. I know it's her favorite.

"What is it? Hindi mo na dapat ako binigyan ng regalo malaki naman ang ibinigay sa akin ni Mister Viran"

"Just accept my gift Miss Veriona you deserve that 'coz you're so kind" sabi ko na may accent pa natutunan ko naman ito kay Eliesh.

"Wow! Pinaghanda mo ang araw na ito Algea masyado mo akong pinabilib dyan talagang sineseryoso mo ang pinag aaralan natin. Thanks Miss Algea I appreciate your present gift for me"

"You're welcome Miss Veriona...."

Tuminngin ito sa akin na mukang nag aalala.

"Bakit naman naging ganan ang mukha mo? Bakit ang lungkot?"

"Mamimiss kita Miss Veriona...wala ng magkukwento sa akin sa mga special chapters ng parehas nating gustong libro"

"Wag kang mag alala, ah may na isip ako. Wait" aniya at may kinuha sa kanyang bag napansin ko na hirap syang kunin ang kukuhanin nya kaya naman kinuha ko muna ang kahon para hindi sya mahirapan.

"Salamat" sabi nya.

Hindi ko alam ang gagawin nya sa isang papel na may kulay alam ko ang tawag dito. Isa itong sticky note.

Kinuha nya ang kahon at pinatong nya ang papel dito at may isinulat sya.

"Ito. Account ko yan paniguradong magkakaroon ka narin ng ganan Algea muka ngang lahat ng social media apps. Dyan mo na lamang ako kontakin kapag may kailangan ka inilagay ko narin ang number ko dyan"

Ngumiti akong tumingin kay Miss Veriona pagkabigay nya sa akin ng papel.

"Salamat dito Miss Veriona"

"Pano alis na ako?"

"Hindi mo ba titingnan muna ang nasa loob ng kahon?" tanong ko.

"Bakit? Ano ba ito? Sige titingnan ko na" sabi nya.

Pinanood ko sya habang tinatanggal nya ang pink na laso na nakalagay sa kahon. Nakita ko ang pag laki ng mga mata nito bago tumingin sa akin.

"Algea..totoo? Hindi mo ba ako binibiro dito?"

Medyo natawa ako sa sinabi ni Miss Veriona. Ang laman kasi ng kahon ay dalawang libro na volume 3 at 4 na parehas naming gustong libro nabasa ko na naman ito hindi halatang nagamit ko na dahil sa maingat ko itong binubuklat kada isang pahina ng libro. Ito ang naisip kong ibigay kay Miss Veriona dahil alam kong gusto nya ang mga librong ganito sa kanya ko din kasi nalaman ang ganitong libro.

"Sigurado ako Miss Veriona sa totoo lang kulang pa iyan sa pagtyatyaga mong turuan ako" sabi ko sa kanya.

"Salamat dito Algea. Teka hindi kaya magalit nito ang kapatid ni Mister Viran?"

DOCTOR SERIES 3: CURSE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon