"DHEASY?"
"Hmm?" aniya sabay kurot ng chicken thigh na part. Ito pa iyong dala kanina ng bellboy.
"Mag libot kaya tayo mamaya. Seaside ganon?" suhestiyon ko sa kaniya.
Sana pumayag agad siya.
"Pwede naman. Isama natin si Gela. Mas masaya kapag tayong tatlo lang," itinigil niya ang pagkain ng chicken. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi bago ang kaniyang kamay saka kinuha ang cell phone. "Kapag hindi pumayag si Gela ay higitin mo na agad. Ang problema kasi sa isang iyon napa-paranoid na dahil sa boyfriend. Masasabi ko namang may magandang side ang nangyari sa amin ni Haxel dahil nagkaroon ako ng peace of mind—pero pumalit naman ang walanghiya" aniya.
"Sige sasabihin ko kay Gela na pupunta tayo mamaya ng seaside. Anong room number ba niya?" tanong ko bago inilapag ang baso na may lamang juice sa lamesa.
"Hmm....room 219? If I'm not mistaken. Nakita ko siyang lumabas ng room na iyon kanina. Hindi ko lang siya nakausap dahil umepal ang pangit" sabi niya bago umirap sa hangin.
Ayaw nga niya talaga kay Aiku.
Naka isang oras naman ako sa room ni Dheasy bago ko naisipan na lumabas. Pumayag naman siya na lumabas kami basta ay nasa tabi niya lang kaming dalawa ni Gela.
Habang papunta ako sa room namin ni Eros ay nakasalubong ko si Aiku na nakapamulsa sa kaniyang gray na pants, habang nakasuot ng sunglasses. He is wearing white polo shirt.
"Did she say yes?" bungad na tanong nito sa akin.
Tumango ako. "Pumayag siya, pero gusto niyang nasa tabi niya lang ako kasama si Gela. Sa seaside kami mamaya. Around 6."
"Good. Malapit lang iyon sa restaurant na pina-reserved ko"
"So, anong plano mo?" tanong ko. Para naman makasigurado akong nasa ligtas ang kaibigan ko.
"Don't worry about it. She's safe with me," aniya na parang nababasa ang nasa isip ko. "Kapag nasa seaside na kayo ay saka ako pupunta doon para kunin siya"
Huh?
"As if naman sasama siya ng kusa sayo"
"Of course, sasama siya. Kapag ayaw sumama dapat pinipilit dahil baka magbago ang isip, sayang din" aniya sabay mahinang tumawa. "Thank you by the way—"
"What the!. Aiku?!"
Nagulat ko sa biglang pagbukas ng pinto ng room namin ni Eros. Nakasalubong ang kilay nito habang malalim na tumingin kay Aiku.
"Oh bro!, easy. Humingi lamang ako ng tulong kay Algea. "
"For what?!" pagalit nitong sabi.
"For Dheasy—"
Hinawakan ni Eros ang kanan kong braso at hinigit papunta sa tabi niya.
"Huwag mong idamay si Algea sa isip bata mong girlfriend," tumingin si Eros sa akin. "Pumasok kana sa loob." aniya.
"Ah eh?..." nagdadalawang isip pa ako kung magsasabi pa ba ako ng "bukas na lang", kay Aiku pero nang tingnan ko ang ekspresyon ni Eros ay wag na lang. Mabilis lamang akong tumingin kay Aiku bago pumasok sa loob.
Inabot ng halos dalawang minuto siya sa labas.
Ano naman kayang sinasabi niya kay Aiku? Hindi ba siya naniniwala na gusto niya lang humingi ng tulong sa akin? Wala ba s'yang tiwala?
Napatigil ako sa paglalaro ng bulaklak dito sa may sofa nang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Eros. Napatayo naman ako at hinarap siya.
"Bakit nagtagal ka? Anong pinag usapan n'yo ni Aiku?"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.