"ITO i-testing mo naman"
Nasa may beauty shop kami at dahil mahaba ang vacant namin ngayon ay napag pasyahan ng dalawang ito na pumunta dito para bumili ng facial cleanser nila at primer make up at ano pa nga ba...ang hindi mawawala sa kanila ay ang cream at lipstick.
"Hindi ba masyado naman itong dark? Ito na lang kaya" sabi ko sabay dampot sa light pink lipstick.
Sabay na tumawa ang dalawa.
"Seriously Algea? Ano ka high school girl? That's not suitable to your age. You must be wear dark colors nor matte lipstick, not that "Kiddo thing" and you know what bagay sayo ang dull colors"
"Hindi lang ako sanay sa ganiyan at mga light colors lang ako-"
"Na pink lipstick oh maybe lipbalm" sarcastic na sabi ni Dheasy.
"Yeah bagay sayo ang ganitong kulay actually lahat naman e kasi ang gandang ng skin mo. Nakakainggit nga e, next time isama mo ako sa province nyo ha baka maging ganito din kaganda ang balat ko" ani naman ni Gela bago tumingin pa ng kulay ng lipstick sa mga tester.
Halos ang vacant time namin ay nakain na dito sa shop dahil sa dami ng tiningnan nila.
Paglabas namin ng store ay naghanap naman kami ng makakain at sa isang japanese restaurant nila naisipan.
Tinatanong naman nila kung saan ang gusto ko, kahit saan naman ay pwede ako bukod doon ay hindi ko pa naman ito napupuntahan at halata naman sa kanila na palagi silang nag gagala dito dahil sa halos alam na nila ang mga kainan dito sa loob ng mall.
Nang makarating na ang order namin ay syempre hindi ko muna ito gagalawin dahil sa kukuhanan pa nila ito ng litrato.
Ganito sila ka active sa social media.
"In 123. Smile!" ani Gela na hawak ang kaniyang cell phone.
Pagkatapos non ay may kanikanila na silang ginagawa.
Si Dheasy naman ay busy sa cell phone niya habang si Gela naman palingalinga kung saan na ikinataka ko.
"May hinahanap kaba Gela?" tanong ko.
Alangin itong tumingin sa akin.
"A-ah w-wala. Wala naman. Lets eat"
Hindi ko na din kinompronta ito at kumain na din.
"Guess what? They will come back" si Dheasy.
"Come back? Sino?"
Nakita ko ang pag irap ni Dheasy sa kawalan.
"Mga tiga LCU"
"Oh I get it. May gusto ko ka doon. Sino naman?"
"Yung chinito. Number 18 yung jersey. I search his last name pero ang dami kasing lumalabas na puro fan page pa. I didn't know na sikat pala siya pero sabagay he's so gwapo kasi" kinikilig na sabi ni Dheasy.
Kaya pala abala ang isang ito.
Tiningnan ko na din ang cell phone ko just in case na mag text si Eros at hindi nga ako nagkakamali dahil 18 minutes ago pa itong text niya.
Ang text niya ay simpleng 'Lunch time. Kumain kana'
Agad ko naman itong tinext at sinabing nasa may mall ako kasama si Dheasy at Gela.
"How about you Algea, hindi kaba nagagwapuhan kay Mr. Captain Halz?"
Hindi ko namalayan na nasa sa akin na pala sila nakatingin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Bakit mo naman ako tinatanong sa ganiyan?....Alam mong-"
"Yes I know you have a boyfriend but honest answer. Did you see Yhael as your suitor? Gosh he is so handsome. Malakas ang kutob ko na liligawan ka niyan Algea"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.