NAKANGITI ako habang naghuhugas ng plato dito sa kusina naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Masaya akong ayos na kaming dalawa.
Pagkatapos ko sa kusina ay dumiretso ako sa kwarto para kunin ang ginagawa kong bag para sa kanya doon ako gagawa sa may hardin dahil umalis naman sya sa bahay at pupunta sya sa kompanya nito.
Nagulat ako ng sabihin nya sa akin na masarap ang pagkakaluto ng ulam akala ko ay hindi nya papansinin ang niluto ko at kapag naman aalis na sya ay nagpapaalam na ito sa akin.
"Algea nandito si Ma'am Eliesh" narinig kong sabi ni Sida.
Itinigil ko muna ang pag gagatsilyo dahil sa sinabi sa akin ni Sida.
"Talaga? Hindi ko na rin sya nakakausap kaya mabuti nga na bumisita sya dito"
"Algea. How are you?"
Tumayo ako nang makita syang paparating at niyakap ko ito.
"I'm okay Elie, medyo matagal na din na hindi tayo nakakapag usap. Kamusta ka?"
"Stress to my subjects kaya nga pumunta ako dito para naman mag relax" sabi nya at tumingin sa nasa lamesa.
"What are you doing? It's that your project?"
"Ah hindi Elie ipang reregalo ko ito sa kapatid mo"
Agad lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko.
"Really?"
"Oo. Gagawan ko sya ng bag na lalagyan para sa mga libro nya"
"That's a good gift for him. Palagi nga syang na s-struggle sa pagdadala ng mga books nya everytime he's going to med school. By the way how are you this past few months? Doing good?"
"Maayos na naman ako Elie hindi tulad ng dati"
"Hindi kana nakaka experience ng nightmare?"
"Hindi na Elie masaya ako na hindi ko na yon nararanasan"
"That's good and I know mas sasaya ka pa kung sasabihin kong isasama kita ngayon sa mall"
"Ha? Bakit? Bibili ka din ba ng pang regalo?"
"No I already have a gift for him. Let's buy eye shadow palette for kuya's birthday ako ang mag aayos sayo"
"Ayos lang naman sa akin na simpleng ayos lang hindi naman siguro ganon ka pormal yon"
"It's formal Algea"
"Formal? Akala ko ayaw nya ng ganon?"
"Because our step Mom will come to his party and of course she will see you I know her she's too judgemental together with her son but I won't let it and kuya too. Nagmakaawa na naman siguro yon kay Kuya"
"Hindi ba kayo ayos ng step mother nyo?"
"We're not and we will not. Ever. Kahit kailan naman hindi sya naging parent para sa amin ni Kuya she only love and want is Dad's money and business na hindi nya makuhakuha dahil si Kuya na ang naghahandle nito ibinigay na ni Dad kay Kuya lahat bago sya....mawala"
Medyo nalungkot ito sa sinabi nya sa huli.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin sa kanya.
"Sorry hindi ko intensyon na makarating sa ganong topic"
"Nah it's okay don't worry namimiss ko lang din si Dad"
"Ako si Mama pero alam kong masaya na yon ngayon kasi nakikita nyang masaya na ako at malayo sa mga taong nananakit sa akin"
"Yeah they're happy seeing that we will achieve our goals and wants in life" aniya bago tumingin sa ginagawa ko.
"Almost done. Would you mind to teach me too?"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.