TAHIMIK lamang kami ni Eros sa loob ng sasakyan nya sya kasi ngayon sya ang maghahatid sa akin at hindi si Kuya Dante. Ewan ko ba sa kanya at hindi ko sya maintindihan kanina kasi sabi nya may importante syang lakad ngayon at baka mahuli pa sya pero bakit ganon na lamang kanina ang pangungulit nya kay Kuya Dante na sya ang maghahatid sa akin ngayon?
Huminto ang pag iisip ko tungkop doon dahil tumigil na ang sasakyan. Humarap muna ako kay Eros para magpasalamat.
"Ahm salamat sa paghatid mo sa akin ngayon. Ingat ka" sabi ko at bago ko pa matanggal ang seatbelt ay nagsalita na sya.
"I'll go with you. Ihahatid kita hanggang sa classroom mo"
"Ha? Hindi na Eros diba may pupuntahan ka pa?"
"I want to see your classmates Algea"
"At b-bakit naman?"
Hindi ito nagsalita at umikot patungo sa kabilang pinto ng kotse kung saan ako nakaupo binuksan nya ito at tumingin sa akin. Lumabas ako at kukuhanin ko na sana ang bag ko pero naunahan na niya ako dito.
Napayuko ako dahil halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin at yung iba ay nakatitig ng matagal kay Eros bago magbubulungan at ngingiti.
"Good morning Sir, may kailangan po ba kayo?" sabi ng guard sa gate.
"Nothing. Ihahatid ko lang ang girlfriend ko sa room nya"
"Ah ganon po ba Sir. Sige po"
Hanggang sa nakapasok kami sa campus ay padami ng padami ang mga tumitingin sa akin at kay Eros pero sya parang walang pakialam sa mga taong panay ang titig sa kanya.
Ang lahat ng mga nakaharang at nakatayo sa may malapit sa hallway ay gumigilid para akong nasa isang pelikula ngayon ganito kasi ang mga nagiging eksena.
Tumigil kami sa isang room kung saan dito ako, humarap naman ito sa akin at ibinigay ang bag ko. Nakita ko ang tatlo na papalapit sa akin. Nginitian ko sila bago ako tumingin ulit kay Eros.
"See you after your class. I'll fetch you"
"Ah bakit ikaw parin? Pwede naman si Kuya Dante-"
"Seems like you don't want me to fetch you and-"
"Hindi sa ganon Eros baka kasi makaabala pa ako sayo"
"No you're not. I can manage my time"
"Sige salamat sa paghatid. Ingat ka"
"You too" sabi niya at tumingin sa likuran ko.
Kita ko ang pagdilim ng mukha nito kaya naman tiningnan ko ang nasa likuran. Ito yung Presidente ng klase namin at nakikipagtitigan din pala kay Eros.
"Ah sige na Eros baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo" sabi ko dahil nararamdaman ko ang tensyon nila sa isa't isa kaya naman bago pa iyon mangyari pipigilan ko na.
"Pupuntahan kita dito pagkatapos ng klase mo" sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Sige"
"Hi Algea. Good morning. Ahmm hi...Eros" sabi ni Vlovin at nakita ko ang pag ayos nya ng kanyang buhok sa gilid.
Tumingin ako kay Eros na sa akin parin nakatingin kahit binati sya ni Vlovin. Napansin ako ang pagkalungkot ng mga mata ni Vlovin kaya naman humarap ako dito at binati sya.
"Good morning Vlovin" sabi ko.
Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"I have to go"
"Sige"
Naglakad na ito palayo sa amin napansin ko ulit ang matagal na pagtitig ng mga estudyante dito lalo na si Vlovin na nasa tabi ko. Natigil lamang ang pagtitig nya sa likod ni Eros dahil siguro napansin nya na nakatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.