NGAYONG araw ang unang pagpasok ko sa school bilang isang kolehiyalang mag aaral. Hindi pa ako nakakapag almusal dahil tinutulungan ko pa si Inay Frela kahit ayaw nya na tumulong pa ako dahil sa baka madumihan pa ang uniporme ko.
Maaga pa naman dahil alas sinco pa lang ng umaga ay gising na ako at base sa oras sa unang subject ko ay seven thirty pero sa susunod ay maa-adjust ito ng isang oras kaya eight thirty ang pasok ko.
"Algea ikaw talagang bata ka oh yung uniporme mo baka madumihan pa umupo kana dyan patapos na naman ito" sabi ni Inay Frela.
Umupo na naman ako nang makita ko na patapos na sya.
"Magandang umaga Algea. Bagay sayo yung uniporme mo mas lalo kang gumanda"
Napatingin ako sa aking likuran dahil sa pagsalita ni Ate Frinda.
"Magandang umaga din sayo Ate Frinda" sabi ko.
"Marunong akong magtirintas mas maganda ka lalo kapag maayos din ang buhok mo"
"Sige Ate Frinda mamaya pagkatapos kong mag almusal. Ah sabay na tayo Ate Frinda"
"Ah hindi muna Algea mauna kana may gagawin pa ako, pagkatapos mo dyan hintayin mo ako sa sala"
"Sige Ate"
"Oh hijo. Magandang Umaga sayo. Mag aalmusal kana ba?" si Inay Frela.
Tumingin ako sa kanya na umupo na sa sarili nitong upuan.
"Yes Nay Frela and good morning din po" aniya bago tumingin sa akin.
"Good Morning"
"Magandang Umaga sayo"
Halos sabay naming sabi.
Napangiti na lamang kami dahil sa narinig.
Inihanda na ni Inay Frela ang sinangag ham, itlog at tinapay kung gusto naman na tinapay lamang ang umagahan gusto ko man na tinapay lamang at kape dahil sanay na ako na iyon palagi ang kinakain ko tuwing umaga pero mukang hindi na naman sya papayag at baka magalit pa ito at alam ko naman na maganda din na kanin ang kainin ko sa umaga dahil lalo pa ngayon ay pumapasok na ako sa school.
"Good luck to your first day"
"Salamat sayo" sabi ko.
"Nga pala dadaan dito si Eliesh"
"Ha? Bakit? May nakalimutan ba sya dito kahapon?"
"Wala pero gusto ka niyang makasama in your first day, para i-guide ka"
"Ah sige" tanging nasabi ko.
Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa sina Inay Frela at Ate Frinda ay lumabas na din ng kusina dahil sa titingnan nila ang hardin.
"You should do what I'm sayin' to you Algea-"
"Stay away from boys" sabi ko bago tumingon sa kanya.
"Hindi ko kakalimutan yon Eros" sabi ko pa ulit.
Mabilis ang pangyayari dahil sa nahalikan niya agad ang gilid ng labi ko. Hindi ako nakaatras dahil sa biglaan niyang ginawa.
"Eros...."
"Sorry, I can't control. You done?"
"Ah oo"
"Okay ready yourself. Ako ang maghahatid sayo"
"Ha? Ayos lang naman kung hindi na baka may klase ka din"
"No. Mamaya pa ang klase ko"
"Sige"
Bago ako lumabas sa kusina ay inayos ko muna ang pinagkainan namin mabilis lang naman maghugas at kaunti lamang ito kaya hinugasan ko na.
Tumungo ako sa sofa dahil nandoon ang bag ko.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomantikAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.