PLEASE DO NOT READ THIS KUNG HINDI MO PA NABABASA ANG THE GIRL WHO CRIED MURDER AND THE GIRL WHO CRIED MURDER TOO.
The Ripper Series #3 : NEVER CRY MURDER
PROLOGUE ::
Napabuntong-hininga ako at napahawak ng mahigpit sa kwintas na bigay sakin ni Julia. Ba't ba ganito ang nararamdaman ko? Ba't ako kinakabahan? Kakausapin ko lang naman si Ponzilita ah? Pakdishit, why do I feel like something's wrong. Hay, pride ko lang siguro.
Pero kung labag 'to sa kalooban ko, ba't ko gagawin? Wala namang nagsasabi sakin na kailangan kong ibaba ang pride ko at makipag-usap sa kanya ah? Bwisit, ano ba kasing pumasok sa hypothalamus ko't nagpunta ako dito sa bahay niya at sa gabi pa? The heck, tama si Daddy sumusobra na ang pagiging impulsive ko.
"Serenity hija? Ikaw ba yan?"
Bago pa man ako makalayo ay narinig kong bumukas ang gate ng bahay nila kaya wala na akong magawa pa kundi lumingon sa Mommy ni Ponzi.
"G-good evening po." Bati ko na lamang sabay ngiti at kaway ng bahagya. "Sisa po, hindi Serenity." Giit ko pa. Wala eh, nahuli ako eh.
"Ang ganda mong bata pero gusto mong tawagin ka sa pangalan ng baliw. Hay, mga kabataan talaga ngayon." Biro niya, "Si Ponzi ba? Kaalis lang niya eh---" Natigil sa pagsasalita ang Mommy ni Ponzi nang kapwa kami makarinig ng sigaw mula sa bintana ng bahay nila.
"Ate Baliw! Ate Baliw! Ate Baliw!" Si Kikoy pala. Kaway ng kaway sakin habang abot-tenga ang ngiti. Kahit na anong gawin kong pangt-trauma sa kanya balewala, for all ages nga talaga ang kamandag ko. Hay, nasabi ko na bang osum ako?
"Sisa pwede ba akong humingi ng pabor sayo? Tutal andito ka na rin lang, pwede bang pakibantayan muna ng saglit si Kikoy? Kanina pa ako naghahanap ng magbabantay sa kanya, buti nakita kita. Si Kikoy kasi, nagpapabili ng ice cream sa convenience store, ayaw naman niyang sumama kasi manonood daw siya ng tv. Natatakot akong iwan siyang mag-isa sa bahay kasi baka kung anong maisip na gawin, bata pa man din." Pakiusap niya kaya napangiwi na lamang ako. Gusto kong tumanggi, pinipilit kong maghanap ng palusot para makaalis pero nakakakonsensya ang maamong mga mata ng mommy ni Ponzi. She's really concerned for Kikoy at kung may alam man ako tungkol sa mga nanay, yun ay ang mga anak nila ang achilles heels nila.
Nagdadalawang isip man, napabuntong-hininga na lamang ako't ngumiti, "Sige po. Ako nalang po muna ang bahala kay Kikoy."
"Naku, salamat talaga. I'll get back as soon as I can." Tuwang-tuwa niyang sambit.
*****
Pagkaalis na pagkaalis ni Tita ay agad kaming pumwesto ni Kikoy sa sahig upang mas malapit kami sa TV. Hindi ako mahilig sa bata at hindi ko rin alam ano ang feeling magkaroon ng nakababatang kapatid pero kahit papaano ay magaan naman ang loob ko kay Kikoy kaya sa tuwing gusto niyang magpakarga ay agad ko itong ginagawa. Ang sarap niya rin naman kasing yakapan, so fluffy and squishy.
"Where's your papa?" Usisa ko.
"Business!" Masigla niyang sigaw.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?