22.
Visitors
Third Person's POV
"Serenity anak? Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Tatang nang mapansing nakatingin lamang ang dalaga sa kawalan at ni hindi man lamang ginagalaw ang kanyang hapunan.
Nakita ni Paris ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Sisa kaya pasimple niyang hinawakan ang kamay nito upang palakasin ang loob nito.
"Hey snap out of it... Don't break..." Bulong nito pero lumingon lamang sa kanya ang luhaang si Sisa at hindi na nagsalita pa.
"Paris hayaan mo siya." Maotoridad na sambit ni Tatang kaya walang nagawa si Paris kundi bitawan na lamang ang kamay ni Sisa at magpatuloy na kumain.
Isa-isang pinagmasdan ni Tatang ang kanyang mga anak ng may ngiti sa kanyang labi, "Mga anak may sorpresa pala ako sa inyo!" Bigla nitong anunsyo na para bang nasasabik at agad na naglakad palayo upang kunin ito.
"Ano mamamatay ka na?" Mahinang sambit ng natatawang si Paris dahilan para mahinto si Tatang sa paglalakad.
Nanlaki ang mga mata ng lahat, kahit si Serenity na kanina'y mistulang walang pakialam ay natakot rin para kay Paris.
Nakatalikod si Tatang mula sa kanila kaya naman hindi nila makita ang naging reaksyon nito.
Nagkatinginan silang lahat, lahat sila natatakot at nag-aalala para kay Paris. Nakahinga lamang sila ng maluwag nang magpatuloy si Tatang sa palabas sa isang pinto.
"Oh my God! Aatakihin ako sa puso dahil sa bibig mo!" Reklamo ng kinakabahang si Rose kaya natawa na lamang si Paris.
"Narinig ka ba niya?" Nag-aalalang sambit naman ni Kerry.
"Paris naman eh! Baka narinig ka nun!" Sabi pa ni Ada.
"Bahala na." Pagsasawalang bahala na lamang ni Paris saka ngumiti kahit pa sa kaloob-looban ay labis rin siyang kinabahan.
Naramdaman ni Paris sa may humawak sa kamay niya at nang tingnan niya ay si Sisa pala. Umiiyak man, para ring pinapalakas ng dalaga ang kalooban niya.
***
Nakatali parin sa mga upuan ang lima habang nasa hapagkainan nang makabalik si Tatang. Buong pagmamalaking ipinakita ni Tatang ang isang picture frame kung saan naroroon ang litrato nilang magkakasama.
Gamit ang martilyo at pako ay sabik na ikinakabit ni Tatang ang picture frame sa dingding na malapit sa pinto.
"Serenity, Paris, galing pala ako sa lungsod na tinitirhan niyo, alam niyo bang hindi parin kayo hinahanap ng mga magulang niyo? Tsk-tsk, ano bang mga kalokohang pinaggagawa ninyo't hindi iniisip ng mga magulang niyo na nawawala kayo?" Pasaring ni Tatang habang mas nilalakasan pa ang pagpukpok ng martilyo sa pako.
Nanlaki ang mga mata ni Paris sa narinig at hindi na niya napigilang maluha pa, "H-how's my Dad?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Paris.
"Paris sa dalawang taong nakikipaglaban sa cancer ang ama mo, mas pinili mong maging pariwara imbes na alagaan siya. Mabuti naman at naisipan mong kamustahin siya? Kaso huli na ata, naging napakasama mo nang anak kahit na nakikita mong nahihirapan na ang ama mo. Dadalhin yon ng ama mo hanggang sa hukay." Dismayadong sambit ni Tatang kaya naikuyom na lamang ni Paris ang kanyang kamao.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?