Chapter 24: Time to let go

56.5K 3.3K 3K
                                    

24.

Time to let go

Third Person's POV

Muling umalingawngaw ang makapanindig balahibong palahaw ni Rodney matapos hiwain ni Dustin ang kaliwa nitong tenga. Kung hindi dahil sa natitirang manipis na balat ay tuluyan nang matatanggal ang tenga nito.

Naliligo na sa sariling dugo ang binatang si Rodney, nanginginig na ito sa labis na sakit. Kahit ang mga kamay na nakatali mula sa likod ay labis narin ang pagdurugo, wala na siyang mga kuko sa kanyang mga daliri matapos itong pagtatanggalin ni Dustin at Archie gamit ang pliers. Wala ng suot na pang-itaas na damit si Rodney kaya naman kitang-kita ang mga pakong nakatusok sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Hindi na masikmura ni Ponzi ang nangyayari kaya naman nanatili na lamang siyang nakaupo sa isang tabi habang nakatingin sa kawalan samantalang si Jojo naman ay patakbo-takbo at patalon-talon na lamang sa buong abandonadong bahay habang nanghuhuli ng mga lamok gamit ang mosquito swatter niyang hugis tennis racket. Gaya ni Ponzi ay hindi narin niya masikmura ang nangyayari kaya nililibang na lamang niya ang sarili.

Napabuntong-hininga si Dustin at muling naupo sa tapat ng nagdurusang si Rodney. "Tsk-tsk," umiling-iling si Dustin at ngumiwi, "Rodney naman eh, simpleng sagot sa simpleng tanong, ba't hindi mo maibigay?" Kalmado nitong sambit pero tiningnan lamang siya ng nanggagagaliting si Rodney.

"Wala kaming balak na patayin ka kaya asahan mong matagal-tagal pa 'tong pagdurusa mo." Walang emosyon sambit ni Archie.

"P-protektahan ko ang programa." Mahinang sambit ni Rodney habang sumusuka na ng dugo. Para niyang pinapaalalahanan ang sarili sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsambit nito kahit hinang-hina na.

"Protektahan ang programa?" Ngumisi si Dustin, "Asan ang programa ngayon para tulungan ka? Diba wala naman? Sige na kasi, sabihin mo na kasi kung nasaan sila. Wag mo ng hintaying magalit pa ako." Patawa-tawa nitong sambit.

Unti-unting itinaas ni Rodney ang kanyang ulo at napatingin kay Dustin. Unti-unting kumurba ang ngisi sa labi niya, "Nasa impyerno na."

Napabuntong-hininga na lamang si Dustin bahagyang tumawa, "Imposibleng mangyari 'yan, di matatagalan ni Satanas ang bibig ni Sisa. Banned siya dun." Biro nito saka lumingon kay Archie, "Pre kumukulo na ba?"

Ngumisi si Archie at kinuha ang kawa na umuusok pa mula sa kalan. "Rodney tutal sa impyerno din naman ang bagsak mo, kailangan mo ng masanay." Aniya pa saka inabot ito kay Dustin dahilan para muling manlaki ang mga mata ni Rodney.

Iika-ika man, tumayo si Dustin sa likod ni Rodney habang hawak ang kawa na may lamang kumukulong tubig. Inaasahan na ni Rodney ang sakit na mararamdaman kaya pumikit na lamang siya't pilit na itinago ang kanyang takot.

"Rodney huling tanong, nasaan sila?" Kalmadong tanong ni Dustin pero hindi kumibo ang duguang si Rodney at sa halip ay huminga na lamang ng malalim. Lalo itong nanginig sa takot pero determinado itong protektahan ang programa.

Akmang ibubuhos na ni Dustin ang kumukulong tubig sa ari ni Rodney  nang sa isang iglap ay bigla na lamang nabuo ang pilyong ngisi sa mukha niya, "Teka sandali, Jojo may joke ako!" Sigaw nito na para bang nagpipigil sa pagtawa.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon