Chapter 2 : On Duty

71.2K 3.4K 1.3K
                                    

2.

On Duty

Sisa

"B-borneo Grady!" Sigaw ko sa nurse na nasa desk kahit hingal na hingal at basang-basa pa ako ng ulan. Madaling araw na at iilan lamang ang nakikita ko dito sa pasilyo ng ospital.

"Miss kaano-ano ka ng pasyente? Pasensya na pero---"

"God damn it! Tell where his room is if you love your face!" Pagwawala ko sabay tanggal ng cap ko at tapon nito sa sahig. 

Napaatras ng bahagya ang nurse mula sakin. Halata ang gulat at takot sa mga mata niya. Wow, I must really look like a psychopath right now.

"M-miss pasensya na talaga.." Hindi niya ako halos magawang tingnan sa mga mata "Pamilya lang ang pwede at isa pa tapos na ang visiting hours." Aniya saka inilibot ang kanyang paningin na para bang naghahanap ng makakatulong sa kanya.

"I'm his long lost sister and i'm the only one he's got right now. I don't care---"

"You don't have to lie. Borneo is on Room 707. Nurse Aya, ako na ang bahala dito." Agad akong napalingon nang biglang may magsalita mula sa likuran ko. Nagtaka ako nang makita ang isang matangkad na doktor, medyo singkit at cute. Namumukhaan ko siya, siya ang gumamot sa leeg ko. Mukha siyang naiinis sakin na nababagot na ewan. 

Wala akong pakialam sa kanya kaya nagtatakbo na lamang ako papunta sa kwartong sinabi niya.

"Spermy...." 

Sa pagpasok ko pa lamang sa kwarto ay agad na bumungad sa akin ang kalunos-lunos niyang lagay. May benda nang nakapulot sa ulo niya at may tubo naring nakakabit sa bahagya niyang nakabukas na bibig. Wala siyang malay at ang mga makitang nakakabit sa kanya ang natatanging nagbibigay buhay sa kanya.

Tagaktak man ang luha ko, naglakad parin ako papalapit sa kanya. 

Nakakapanlumo. Para kong nakikita ulit si Julia na naghihingalo sa mismong harapan ko.

Bahagya akong lumuhod upang mapalapit ako sa mukha ni Spermy. Pilit kong pinipigilan ang mga hikbi ko sa papamagitan ng pagngiti. "You son of a psychotic bitch..." Idinaan ko na lamang sa tawa ang bigat ng nararamdaman ko, "You scared me, you really scared me." I reached for his hand and hold unto it. For the first time, I held his hand. Ever since we met, I tried my best to distance myself. Ayokong umasa siya kaya kahit magmukhang bruha, ginawa ko ang lahat para ipagtulakan siya palayo. Ayoko siyang masaktan dahil sakin pero ngayon natatakot ako, baka lalo ko lang siyang sinaktan dahil sa paulit-ulit na pagsasabi ng totoo. Was my honesty too brutal? Did I crush his heart like the way Dustin crushed mine?

"You’re the only person who came to visit him." Muling nagsalita ang doktor na nasa likuran ko pa pala kaya nilingon ko siya habang pinupunasan ang luha ko.

"His grandparents? His other relatives? His other friends? How about them? Did they not give a single fuck?" Tanong ko habang hindi parin bumibitaw sa sugatan niyang kamay.

Napabuntong-hininga si Doc habang nakasilid ang dalawang kamay sa lab coat niya, "He's the son of a serial killer. Everyone's a judge. His relatives are probably scared to be involved and demonized. Its not easy for everyone."

No matter how pissed I am right now, he has a point.

I'm not a hypocrite kasi alam ko sa sarili ko na mapanghusga rin ako.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon