23.
Alarmed
Third Person's POV
Kunot-noong pumasok si Ecleo sa isang 24-hour coffee shop at doo'y agad niyang nilapitan ang tila ba balisang si Mr. Monterro.
"Ano pong nangyari?" Agad na tanong ni Ecleo nang maupo siya sa tapat nito.
"E-ecleo bibigyan nila ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay pero sa isang kundisyon," saglit nitong nilibot ang paningin na para bang may kinakatakutan bagay na agad napansin ni Ecleo, "Kailangan kong makahanap ng bagong myembro at ikaw ang una kong naisip. Ecleo alam kong mabuti kang tao at mabuti rin—" Hindi na pinatapos pa ni Ecleo ang guro.
"Sasali ako." Walang pagdadalawang-isip na bulalas ni Ecleo.
"T-talaga? Hijo sigurado ka?" Natutuwa man, hindi parin maiwasan ng guro na magulat sa agaran nitong desisyon.
Kaswal na tumango si Ecleo, "Matagal ko na din itong iniisip at tama ka... Kailangan ng mundong 'to ang mga taong gaya ninyo sa programa." Walang emosyon nitong sambit dahilan para mapangiti sa tuwa ang guro.
"Diyos ko salamat!" Sabi pa nito na para bang nakahinga ng maluwag. Mistulang napakalaki ng takot ng guro sa programang kinabibilangan.
"Teka, papatayin ka nila, ba't hindi ka nalang magsumbong sa mga pulis?" Pasimpleng tanong ni Ecleo na pasimple ring inilibot ang tingin sa paligid. Dito ay nakita niya ang isang lalaking tila ba pinagmamasdan ang bawat kilos nila.
"Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin. Ayokong magaya kay Lucia." Pabulong na sambit ng guro dahilan para tumango na lamang si Ecleo.
***
"Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba kakausapin lang natin ang head ng program?" Agad na bulalas ni Ecleo nang tuluyang matanggal ang blindfold sa mga mata niya at madiskubre niyang nasa isa pala silang lugar na puno ng kulay puting dingding at kisame.
"Nandito siya sa pasilidad." Sabi pa ng guro kaya agad na inilabas ni Ecleo ang cellphone niya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Biglang tanong ng guro saka inagaw ang cellphone ni Ecleo bago pa man niya ito magamit.
"Tinitingnan ang oras. Bakit? Bawal ba?" Sarkastikong sambit ng walang emosyong si Ecleo na inagaw pabalik ang cellphone niya.
Napabuntong-hininga na lamang ang guro, "Wag mong ilalabas yang cellphone mo sa harap ni Tatang, baka kung anong isipin niya't kapwa tayo hindi makaligtas ng buhay." Banta nito kaya suminghal lamang si Ecleo at itinago ang cellphone sa bulsa niya.
"Walang silbi ang cellphone dahil activated ang mga signal jammers na ikinabit sa buong paligid. Iisang cellphone lamang ang gumagana dito sa ilalim at iyon ay kay Tatang." Paliwanag pa ng guro kaya agad na nakunot ang noo ni Ecleo.
"Ilalim? Teka nasaan ba talaga tayo at bakit kailangan ko pang mag-blindfold? Asan yung ibang kasamahan mo? Ba't parang tayo lang ang nandito?" Sunod-sunod na tanong ng kunot-noong si Ecleo kaya napabuntong-hininga na lamang ang guro.
"Mamaya na ang tanong." Sabi na lamang nito at muling naglakad kaya walang nagawa si Ecleo kundi sundan na lamang siya.
"Sir huling tanong... Andito po ba ang mga—" Hindi na natapos pa ni Ecleo ang sinasabi nang sinalubong sila ng isang binatang may takip sa mukha—Si Dexter.
"Kakausapin ko si Tatang. Kasama ko ang bagong recruit." Sabi pa ng guro na para bang nagpapaalam kay Dexter.
"Ayos! New member! Sana di ka malibog gaya ni Rodney!" Bati naman agad ni Dexter Ecleo sabay tapik sa balikat nito. Ngumisi na lamang si Ecleo nang mabanggit ang pangalan ni Rodney.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?