Chapter 44: In times of desperation

55.2K 2.9K 1.5K
                                    

44.

In times of desperation

Third Person's POV

"Anong kailangan pa ng court order?! Pwede bang tigil-tigilan niyo ako! Gusto kong makausap si Dustin Consulacion kaya ipakausap niyo ako sa kanya! May karap—Hello? Putangina!" Napamura na lamang si Chief Hidalgo nang bigla siyang binabaan ng kausap.

Marahas na napakamot ang hepe sa kanyang ulo dahil sa matinding inis at pagod. Ilang araw na itong hindi nakakauwi sa bahay nila at ilang araw narin itong walang tulog dahil sa imbestigasyon kaya ngayo'y ang mga kape niya na lang ang pinagkukunan niya ng lakas.

Muling tumunog ang cellphone niya dahilan para lalo siyang mairita. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay para bang nawala ang lahat ng pagod niya at agad na kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya.

"Daddy! Daddy miss na kita! Ba't di ka pa umuuwi?" Umiiyak na sambit ng pitong-taong gulang niyang anak na babae mula sa kabilang linya.

Nasapo na lamang ng hepe ang kanyang baba saka huminga ng malalim, "Baby, 'wag kang umiyak. Miss na miss ka narin ni Daddy. Promise, pag-uwi ko may dala akong pasalubong sayo." Malambing niyang sambit dito.

"Kelan ka uuwi? I have toys and food already, please come home. Daddy parati ka nalang wala." Pagsusumamo ng anak kaya hindi na niya mapigilan pang maluha.

"Anak, daddy needs to work. I have to get rid of bad guys to make Crimson Lake safe... to make you safe." Giit nito gamit ang malambing na boses pero imbes na tumahan ay lalo lamang na umiyak ang anak.

"What if bad guys hurt you? Daddy come home na please!" Muling hiling ng anak kaya napabuntong-hininga na lamang ang hepe at napasandal sa kinauupuan.

"Anak, ginagawa to ni Daddy para sayo. For you I'll be safe. Promise pagkatapos nito, uuwi ako diyan at magfa-file ako ng leave para punta tayo kahit saan mo gusto. Okay ba yun?" Giit niya dahilan para matigil ito sa pag-iyak.

"Talaga? Promise?" Tanong nito habang humahangos.

"Promise. Anak ibigay mo muna kay Mommy mo ang phone, kakausapin ko muna siya." Wika niya na agad namang sinunod ng anak.

"Honey, kelan ka ba talaga uuwi?! Magmula nang ma-promote ka, parang wala ka na kaming halaga sayo ah?!" Agad na bulyaw sa kanyang asawa kaya napapikit na lamang siya't bahagyang inilayo ang tenga niya mula sa cellphone.

"Honey pangako uuwi ako oras na mahanap na namin ang mga nawawala—"

"Uunahin mo pa sila kesa samin?! Pamilya mo kami! For God's sake! Ang anak mo, hindi na halos makatulog dahil sa pag-aalala sayo! Hindi ka ba naawa samin?!" Muli nitong giit kaya muling napabuntong-hininga si Chief Hidalgo.

"Honey anong gagawin mo kung isang araw biglang hindi makauwi ang anak natin? Itong kasong hawak ko.... Mga kabataan, ang ilan sa kanila ilang taon nang nawawala at hindi na nakauwi sa mga bahay nila. Ang mga magulang ng ilan sa kanila, nagpakamatay, ang ilan nasiraan na ng bait kakahanap sa mga anak nila. Paano kung ang anak natin ang mawala?  Masakit kahit iniisip lang natin, ano nalang kaya ang nararamdaman nitong mga magulang na parating nandito sa presinto at naghahanap ng balita tungkol sa mga anak nila? Ayokong dumating ang araw na baka anak na naman natin ang mawala kaya ginagawa ko ang lahat para maayos 'to. Para rin to sa anak natin, ayokong mabuhay siya sa isang mundong ganito—" Hindi na natapos pa ni Chief Hidalgo ang sinasabi niya nang babaan ng asawa niya.

Laking gulat niya nang bigla na lamang bumukas ang pinto at bumungad sa harapan niya ang hindi mapakaling si Ponzi.

"Nawawala si Serenity!" Bulalas nito dahilan para agad na makunot ang noo ng hepe.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon