Chapter 48: The Monster she became

59.5K 3.2K 2.8K
                                    

48.

The Monster she became

Sisa

Inabot sakin ni Tatang ang isang photo album at nang buksan ko ito ay nakita ko ang isang napakalumang litrato ng isang matandang doktor.

"Siya si Doctor Delfino. Siya ang henyo sa likod ng programa." Pagmamalaki ni Tatang.

Henyo? Bitch please, more like a mad & demonic dude.  See, being a smart person isn't just about being knowledgeable in all things, it also concerns your psychological and emotional stability too—which these idiots lack. So genius is a no-no.

"Kaano-ano mo po siya?" Tanong ko at tumango naman siya. Whoa, so this dude must be Tatang the first.

"Lolo ko siya." Sabi pa nito kaya nilipat ko na lamang ang pahina hanggang sa makita ko ang litrato ng dalawang bata at isang dalagita—ito yata ang mga anak ni Doctor Delfino.

"Tinalikuran si Lolo ng mga anak niya at ang ama ko nalang ang natira. Kilala mo ang ama ko, lolo siya ni Calix... yung kaibigan mo?" Aniya dahilan para muling magsitayuan ang balahibo ko.

Wait so all this time kasali pala ang matandang 'yun? Damn it! I should've seen the signs! He had the power and resources to keep this program running, he blended well because the police force trusted him. Plus the fact na nasa kanya ang simpatya ng lahat knowing nagpakamatay ang anak niya matapos mapagbintangang Crimson Ripper. That sneaky son of a bitch.

"W-wait, does that mean Calix knows about the program po? Kasali rin po ba siya noong nabubuhay pa siya po?" I still feel so bad for what happened to Tammy at Calix but with everything that's been happening, I don't even know who the real monsters are. Fuck, trust issues na ito.

Umiling-iling si Tatang dahilan para mapabuntong-hininga ako. Kahit wala na si Calix, masaya parin ako knowing he's a goodie all along.... Maybe this is why he died...  Para 'wag siyang masaktan sa katotohanang mga baliw at mamamatay tao ang pamilya niya.

"So your'e Calix' uncle huh?" Napabuntong-hininga ako saka ngumiti, "Ba't ganun po? Sa pagkakaalam ko po, only child lang yung Dad ni Calix?" Tanong ko.

Ngumiti si Tatang, "Sabihin nalang nating matapos niyang maimulat sakin ang lahat, itinuring niya akong anak lalong-lalo na't kinailangang mamatay ng kaisa-isa niyang anak."

"Wait so you mean hindi nagpakamatay ang papa ni Calix?! Po..." Kahit mga baliw sila nakakagulat parin, how can you kill your own flesh and blood?!

"Kinailangang gawin ni Papa ang lahat para ma-protektahan ang programang sinimulan ng tatay niya. Nang malaman ito ng ama ni Calix, sinubukan niyang wakasan ang programa sa pamamagitan ng pagsusumbong sa mga pulis." Paliwanag pa ni Tatang.

"Wait why are you telling me all of this po? Why are you even showing me this po?" Tanong ko sabay turo sa album na hawak ko. Ugh! its so weird to say 'Po' all the time. Kakabanas na.

"Bago ka maging kabilang samin, kailangan mo munang matutunan ang lahat." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako.

"Hmm, let me get this straight po... Dr. Delfino created the program at ipinagpatuloy ito ng tatay mo po. Dahil matanda na ang tatay mo, ipinasa niya ito sayo. No offense  poTatang but you're not getting any younger, may plans ka na bang mag-retire?"  Tanong ko sabay sara sa album.

Bahagyang tumawa si Tatang dahil sa sinabi ko at makaraan ang ilang sandali ay tumango-tango siya, "May ideya na ako sa papalit sakin." Aniya.

"Don't tell me si Dexter po?" Biro ko, "Tatang hindi naman po sa pinangungunahan kita pero wala po akong tiwala kay Dexter. I mean you already cut his hand as punishment, hindi kaya may galit na siya sayo plus He even tried to kill me for his own good." Paalala ko dahilan para muli siyang tumawa.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon