Chapter 34: You reap what you sow

60.5K 3K 1.9K
                                    

34.

You reap what you sow

Third Person's POV

Akmang makikipagkamay na sana si Serenity kay Dexter nang bigla siyang may mapansing kakaiba sa kaliwang kamay nitong hindi gumagalaw.

"Ang kamay mo... " Nauutal na sambit ng dalaga.

"Artificial." Bahagyang tumawa si Dexter nang mapansin ang reaksyon ni Serenity. Walang ano-ano'y bigla niyang tinanggal ang artipisyal na kamay dahilan para makita ni Serenity na putol ito hanggang sa pulso.

"Ouch." Hindi maiwasan ni Serenity na mapangiwi pero tumawa lamang ulit si Dexter saka muling ikinabit ang artipisyal niyang kamay.

"Masakit sa umpisa pero sa dami ng pinagdaanan ko, parang kagat nalang 'to ng langgam. Maswerte parin ako kasi buhay pa ako." Taas-noong sambit ni Dexter na animo'y walang bakas ng lungkot o pag-aalala.

"Ano bang nangyari? I mean, if you don't mind." Usisa ng nahihiyang si Serenity habang nakangiti.

"Medyo tanga kasi ako, sa totoo lang mahabang kwento—" Natigil si Dexter sa pagsasalita nang bigla na lamang may umakbay sa kanya—si Ponzi.

"Sensya na brad, wala siyang oras sa mahabang kwento. Kailangan niya pa kasing pumasok sa susunod niyang subject, baka ma-late pa siya." Nakangising sambit ni Ponzi sabay tapik sa balikat ni Dexter bagay na ikinakunot ng noo nito.

"Hala oo nga pala!" Gulat na sambit ni Serenity at dali-daling kinuha ang mga gamit mula sa mesa.

"Tara na." Giit ng atat na atat ng si Ponzi saka nagsimula ng malakad habang nakasilid ang bulsa sa mga kamay.

"Bye! Nice meeting you." Nakangiting pamamaalam ni Serenity sabay kaway at dali-daling sinundan si Ponzi.

Napasinghal na lamang si Dexter at napangisi nang tuluyang makalayo ang dalawa.

Pasimpleng naglakad si Dexter patungo sa pinakadulong bahagi ng library na animo'y sinisigurong walang ibang makakarinig sa kanya pagkatapos nito'y agad siyang may tinawagan.

"Opo Tatang, kasama niya parin yung Agapito. Gawan ko na po ba ng paraan?" Tanong nito at ilang sandali pa'y tumango-tango, "Hindi ko alam pero mukhang nakita ko na siya noon, di ko lang maalala kelan. Sige po, babalitaan ko nalang po kayo kung may mapansin akong kakaiba. Pangako hindi na po mauulit ang pagkakamali ko noon..."

***

"Ponzi sandali, hintayin mo nga ako." Giit ni Serenity pero imbes na huminto o lumingon ay mas lalo lamang binilisan ni Ponzi ang paglalakad dahilan huminto si Serenity at maglakad na lamang sa ibang direksyon.

"Teka, saan ka pupunta?!" Inis na sambit ni Ponzi nang makitang naglalakad na palayo si Serenity.

Gaya ng kanina pa ginagawa ni Ponzi ay hindi rin siya nililingon o pinapakinggan ng dalaga. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na animo'y walang naririnig na tumatawag sa kanya.

"Serenity naman eh, ba't di mo na ako sinusundan?" Nakangiwing sambit ni Ponzi na para bang isang batang nagtatampo. Hindi parin siya nililingon nito kaya naman agad niyang hinigit ang braso nito upang mapaharap ito sa kanya ngunit laking gulat niya nang bigla itong mapaiyak sa sakit at mapaupo sa gitna ng daanan.

"Serenity sorry!" Natatarantang sambit ni Ponzi at dali-dali ring napaupo pero laking gulat niya nang bigla na lamang kumurba ang pilyang ngisi sa mukha ni Serenity.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon