Chapter 14: What really happened?

60.4K 3K 567
                                    

Note : Italicized parts are flashbacks :)

14.

What really happened?

Third Person's POV

"Ecleo kahit ako pa ang Crimson Ripper, hindi parin ako ang gumahasa sa kapatid mo! Hindi naging biktima ng Crimson Ripper ang kapatid mo! Pinagmukha lang siyang isa sa mga biktima ng taong toong gumawa nun sa kapatid mo—ang principal!" Umiiyak na pag-amin ng matandang gurong duguan at basang-basa na ng ulan.

 

"Ecleo! Ecleo Tulungan mo ako!" Pagmamakaawa naman ni Zepp na duguan at takot na takot habang nakatali sa isang puno.

 

"Oo inaamin ko, ako ang pumatay sa Principal pero hindi ko sinasadyang may ibang matamaan at madamay! Ginawa ko lang ang dapat matagal ko ng ginawa!" Giit ng guro na bakas ang sinseredad sa bawat salitang binibitawan.

 

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata ni Ecleo. Hindi niya inasahan ang katotohanang natuklasan. Nagulat siya dahil ang lahat ng mga pinaniniwalaan niya ay isa lang palang malaking kasinungalingan. Gaya ng iba, naloko siya ng taong lumapastangan sa kapatid niya.

 

"B-bakit mo ginagawa to?" Nauutal na sambit ni Ecleo habang hawak parin ang baril na nakatutok sa guro.

 

"Kasi kung hindi, sino?" Makahulugang sambit ng guro dahilan para maiyuko ni Ecleo ang kanyang ulo at mapapikit na lamang.

 

Humahagulgol na sinubukang magpumiglas ni Zepp, "Ecleo please! Parang awa mo na! Tulungan mo—" Hindi na natapos pa si Zepp sa pagsasalita dahil sa gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang unti-unting pagtalikod ni Ecleo mula sa kanya.

"Ecleo?" Lalong napahagulgol si Zepp, "Ecleo tulungan mo ako! Parang-awa mo na! Wag mong gawin 'to!"

Nagising si Ecleo na humahangos. Napatingin siya sa orasang nasa gilid lamang niya at nasapo niya ang ulo nang makitang madaling araw pa.

Napaupo na lamang siya sa kama dulot ng napanaginipang alaala ng nakaraan. Para tuluyang mawakli ito sa isipan ay nagtungo na lamang siya sa kusina at kumuha ng tubig mula sa ref.

"Maraming salamat." Walang emosyong sambit ni Sir Monterro kay Ecleo na siyang kasalukuyang nagmamaneho sa sasakyang inihanda niya sa pagtakas.

 

Napahawak na lamang si Ecleo ng mahigpit sa manibela, "Wala akong ginawa. Wala kang dapat ipagpasalamat." Walang emosyong sambit ni Ecleo saka napasulyap na lamang sa rearview mirror upang tingnan ang kalagayan ng duguan at walang malay na si Sisa na nasa likurang bahagi ng sasakyan.

 

"Mabuti siyang tao kahit kakaiba siya kung kumilos at magsalita. Tinurukan ko lang siya ng pampatulog. Wala kang dapat ipag-alala. Galos at bukol lang ang tinamo niya." Biglang sambit ng guro dahilan para mapabuntong-hininga ang naguguluhan at hirap paring makapag-isip na si Ecleo.

 

"Ginagawa lang natin ang tama. 'Wag kang magpapa—" Hindi na natapos pa ng guro ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang inihinto ni Ecleo ang sasakyan.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon