32.
Collateral Damage
Third Person's POV
Alalang-alala si Ponzi habang pinagmamasdan ang wala paring malay na si Serenity habang nakahiga ito sa isa sa mga kama ng ospital. Kahit na sinigurado na ng doktor na pagkabigla lamang ang dahilan ng pagkakahimatay ni Serenity ay hindi parin maiwasan ni Ponzi ang mag-alala.
Muling bumukas ang pinto kaya naman agad na napalingon rito si Ponzi at nakita niya ang pagpasok ulit ng doktor na animo'y napakalalim ng iniisip. Naaalala ito ni Ponzi bilang ang doktor na siyang nagbalita sa pagkawala ni Sisa ilang linggo na ang nakakaraan at bilang ang doktor din ni Neo.
"Dok akala ko po ba okay lang siya? Ba't po kayo nandito ulit?" Tanong ni Ponzi.
"Okay lang siya pero may napansin lang talaga akong kakaiba kanina." Sabi pa ng doktor at bigla na lamang iniangat ang bangs ng dalaga at tiningnan ang sentido nito.
Nagulat si Ponzi nang makita ang kulay pulang marka sa sentido ng dalaga na animo'y malabong palatandaan ng pagkapaso.
"Anong—" Hindi halos matapos ni Ponzi ang sinasabi dahil sa pagkakalito.
Maingat na iniangat ng doktor ang talukap ng mga mata ni Serenity na tila ba may hinahanap rito.
"Siya ba yung babaeng may pulang buhok na parating dumadalaw kay Borneo noon?" Paniniguro ng doktor kaya tumango na lamang si Ponzi bilang sagot.
Ilang sandali pa ay unti-unting nagising si Serenity kaya naman humakbang na lamang ang doktor paatras at hinayaan si Ponzi na alalayan ang dalaga upang bumangon.
"N-nasaan ako?" Nauutal na sambit ni Serenity habang sapo ang ulo niya.
"Nahimatay ka bigla. Okay ka na ba?" Nag-aalalang sambit ni Ponzi.
Napatingin si Serenity kay Ponzi at kasabay ng pag-iling niya ay ang pag-kurba ng maliit na ngiti sa labi niya. Nakangiti man, bakas ang matinding lungkot sa namumugtong mga mata nito.
***
Walang kaemo-emosyong napaupo si Serenity sa sofa sa pagpasok pa lamang niya sa loob ng apartment niya. Agad namang naupo sa tabi niya si Ponzi na alalang-alala parin sa kanya.
"Sigurado ka bang ayaw mong manood ng sine o mag-foodtrip? Libre ko." Muling tanong ni Ponzi pero ngumiti lamang si Serenity at umiling-iling.
"My heart feels like its been ripped to shreds, I just want to stay here and sleep." Giit ni Serenity.
"kung gusto mong umiyak, exclusive lang sa'yo tong balikat ko." Paalala ni Ponzi saka tinapik ang balikat niya.
Naiiyak man, hindi mapigilan ni Serenity ang matawa, "You're weird."
"Weird?" Suminghal si Ponzi, "Ano ka nalang kaya?" Biro nito saka inakbayan si Serenity dahilan para tuluyan itong mapasandal sa balikat niya.
Napabuntong-hininga si Serenity hanggang sa tuluyan ng umagos ang luhang pilit niyang pinipigilan, "That kid Neo... he died right in front of me and it hurts like hell kahit na hindi ko alam sino siya." Sambit nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi kaya agad na napayakap sa kanya si Ponzi .
"Siguro nga mas mabuting hindi mo siya naalala, mas masakit kung naalala mo siya." Napabuntong-hininga si Ponzi, "Mas mabuti nga sigurong wala kang naalala. Mas hindi ka masasaktan.... Umiyak ka lang, nandito lang ako parati sa tabi mo... " Sa pagsabi ni Ponzi nito ay hindi na napigilan pa ni Serenity ang kanyang sarili't tuluyan ng napahagulgol. Iyak lamang ito ng iyak.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?