6.
The price to pay
Third Person's POV
"Ba't ngayon ka lang? Ponzi alam mo bang alalang-alala kami ng mommy mo sayo?! Hindi ka man lang tumawag!"
Sa pagpasok pa lamang ni Ponzi sa kanilang bahay ay agad nang sumalubong sa kanya ang mga ama na galit at labis na nag-aalala sa kanya lalo na't maghahanting gabi na't ngayon lamang siya nakauwi.
"Sorry po Dad, hindi na po mauulit." Iniyuko na lamang ni Ponzi ang kanyang ulo at nagdire-diretso sa pag-akyat sa hagdan. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang madaanan niya ang bahagyang nakabukas na pinto sa kwarto ng nakababatang kapatid. Muling naalala ni Ponzi ang ipod niyang hindi pa naisasauli ng kapatid kaya naman pumasok na lamang siya rito nang hindi nagbubukas ng ilaw at gamit lamang ang cellphone bilang gabay na liwanag.
"'Koy kunin ko lang ang ipod na bigay ni Ate Agatha. Badtrip ako ngayon eh. Ako muna gagamit." Paalam niya sa direksyon ng kama nito saka nagsimulang maghalungkat sa cabinet at bawat ibabaw ng kagamitan.
"Shit!" Napamura si Ponzi nang may masagi siyang isang bagay dahilan para malaglag ito sa sahig at gumawa ng ingay na para bang bakal na kumalansing. Itinutok ni Ponzi ang kanyang cellphone sa bagay na nalaglag at nagulat siya sa nakita—Ang kwintas ni Sisa.
"Teka, imposible..." Mahina niyang sambit saka agad itong pinulot.
Naguguluhan man, tiningnan ni Ponzi ang nasa loob ng locket at nakumpirma niyang ito nga'y kasi Sisa matapos makita ang larawan ng dalaga sa loob kasama si Julia.
"Paano 'to napunta rito?" Naguguluhang sambit ni Ponzi nang maalalang suot-suot pa ni Sisa ang kwintas na ito nang huli silang magkita.
Bigla na lamang nag-ring ang cellphone ni Ponzi kaya naman agad siyang lumabas ng kwarto upang sagutin ito.
"Ano Tirador? May nalaman ka ba?" Agad na tanong ni Ponzi matapos malamang si Jojo ang tumatawag.
"Tanya bago ang lahat, ilang gb na ang naida-download mo? Siguraduhin mong hardcore ah?" Humahagikgik nitong sambit sa kabilang linya kaya napangiwi na lamang si Ponzi.
"Tangina mo tirador! Sabihin mo na sakin asan si Sisa!" Galit na giit ni Ponzi.
"Oh whatta shit, chill down my pirate friend. " Tumawa ito, "Bago ang lahat, sinasabi ko sayo, credible tong source of information ko. Magaling na hacker tong kilala ko kaya kahit na anong—"
"Tirador sabihin mo nalang!" Muling giit ni Ponzi.
"Okay, okay. Sheesh, ayaw pa ng disclaimer." Umubo ito ng bahagya, "Ganito, ang cellphone ni Sisa ay isang linggo ng inactive. Ni ha, no ho wala pero sinasabi ko sayo, sinadya itong patayin. At dahil nakapatay ang cellphone ni Sisa, hindi namin siya ma-trace, dead end na kaya bumalik kami one week ago kung kailan huling active ang cellphone niya. Alam mo anong kakaiba? Bago kasi namatay ang cellphone ni Sisa 1 week ago ay na-trace namin kung nasaan siya, at brad, nasa bahay mo siya."
"Ano?! Imposible, hindi nagpunta dito si Sisa!" Nagulat si Ponzi sa ibinalita ni Jojo sa kanya.
"May nasagap akong isa pang kakaiba, get this, alam mo bang si Sisa pala ang huling nakausap na buhay ng tanginang si Borneo? Ano kayang ginawa nila? He-he-he. Ayon kasi dito madaling araw sila nag-usap. Naiisip mo bang naiisip ko shit 1? He-he-he."
Magsasalita pa sana siya nang mapansin niyang para bang may nakatingin sa kanya at nang lingunin niya ito ay napagtanto niyang si Kikoy lang pala. Sumisilip sa kanya at para bang nakikinig.
"Kikoy naki—" Hindi na natapos pa ni Ponzi ang sinasabi dahil bigla na lamang tumakbong muli si Kikoy papasok ng kanyang kwarto at para bang takot na takot ito.
"Kikoy anong problema?" Pumasok si Ponzi sa kwarto ng kapatid saka binuksan ang ilaw.
Alam niyang nagtatago ito sa ilalim ng kanyang kama kaya dumapa na lamang siya sa sahig upang humarap sa nakababatang kapatid.
"Kikoy..." Alalang-alala si Ponzi nang makitang umiiyak na naman ito.
Muling bumalik sa isipan ni Ponzi ang hibla ng pulang buhok, ang kwintas at ang sinabi ni Jojo. Labis mang naguguluhan, nanatili siyang kalmado.
"Kikoy... nagpunta ba si Ate Sisa mo dito? Kikoy anong nangyari?" Nahahalata ni Ponzi ang labis na takot na nararamdaman ng bata kaya naman hangga't sa makakaya ay pinilit niyang wag magpakita ng kahit na anong tensyon.
Umiyak lamang si Kikoy at ibinaon ang mukha sa sariling braso habang nakatago sa ilalim ng kama.
"Kikoy... please sabihin mo sakin, alam mo ba kung sino ang kumuha sa kanya? Kikoy may nalalaman ka ba?" Dahan-dahang gumapang si Ponzi patungo sa ilalim ng kama at tinabihan ang kapatid. Dito, hindi na napigilan pa ni Kikoy na mapahikbi ng mapahikbi.
"Kikoy, sabihin mo kay Kuya. Wag kang matakot." Muling giit ni Ponzi.
Unti-unting itinaas ni Kikoy ang luhaan niyang mukha, "S-sabi niya sasaktan niya—ate—pag—sumbong—ako." Nauutal na sambit ng kawawang bata sa pagitan ng bawat paghikbi nito. "Kuya ayoko—wala ate Sisa."
Napapikit na lamang si Ponzi at nasapo ang kanyang noo sa labis na panlulumo.
END OF CHAPTER 6.
And yes, si jojo yung nasa book 2. Yung minention ni Zepp na nanuntok kay Ponzi. Jojo Tirador to be exact :)))
Short update only kasi may work pa ako in a few minutes. hihi. Babush
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?