Chapter 40: The Last Goodbye

61.8K 3K 1.3K
                                    

40.

The last goodbye

Third Person's POV

"Jorino Jomomo Tirador?" Kunot-noong sambit ni Chief Hidalgo na namumula na ang mga mata sa antok. Ilang araw na itong hindi nakakatulog o nakakauwi dahil sa pag-iimbestiga.

"Oo! Yung mukhang malnourished tapos may topak, parati siyang may bitbit na mosquito swatter." Giit ni Ponzi na nalilito na dahil hindi niya mahanap si Jojo sa presinto.

"Hijo mula kaninang hapon, wala pa kaming nagiging bisita o complainant na dumating bukod sayo." Naguguluhang sambit naman ng hepe at muli na lamang binalik ang pansin sa mga papeles na na binabasa.

"Ha? P-paano nangyari yon? Sabi ni Jojo may pulis! May humahabol daw sa kanya kaya takot na takot siya pero nakakita siya ng pulis. Paanong hindi siya nakarating dito?!" Lalo lamang naguluhan si Ponzi.

"May humahabol? Anong ibig mong sabihin?" Tanong muli ng hepe.

"Hindi ko rin maintindihan pero sabi niya nakita niya daw na dinukot si Penny... Yung kaklase namin noon na nagpakamatay." Naguguluhang sambit ni Ponzi na nakakunot ang noo.

Napabuntong-hininga na lamang si Chief Hidalgo at binitawan na lamang ang hawak niyang helmet, "Hijo ikaw na mismo ang nagsabi, maloko tong kaibigan mo. Hindi kaya lango siya sa alak o droga? At isa pa wala pang bente-kwatro oras, hindi pa namin siya maituturing na missing. Hijo napakarami kong inaasikaso at sinusundang lead para mahanap ang programa, pangako pagkatapos ng bente-kwatro oras, kung wala parin siya sa bahay nila, agad akong magpapadala ng maghahanap sa kanya." Giit ng pulis na pagod na pagod na kaya nasapo na lamang ni Ponzi ang sentido dahil sa inis.

"Paano kung sa loob ng bente-kwatro oras, matagpuan siyang patay? Ano ganun nalang 'yon?" Napailing-iling na lamang si Ponzi, "Teka, chief ang lola niya, maaring isa sa mga nakaligtas mula sa programa ang lola niya ." Biglang sambit ni Ponzi nang maalala ito dahilan para agad na mapatayo ang hepe.

"Anong pangalan ng lola niya?" Tanong nito kaya agad na naingat ni Ponzi ang mga balikat niya bilang tandang wala siyang alam.

****

Matapos magtungo sa hepe ay agad na nagtungo si Ponzi sa ospital na animo'y may hinahanap.

Nang makita niya ang doktor ni Neo na nagkakape ay dali-dali at walang kagatol-gatol niya itong nilapitan.

"Anong kailangan mo? Ikaw yung kaibigan ni Borneo diba?" Tanong ng doktor kaya agad na tumango-tango si Ponzi.

"Kailangan ko po kayong makausap tungkol kay Serenity. Nakita ko ang naging reaksyon mo nang makita mo ang mga sugat niya. Doc anong ibig sabihin nun?" Naguguluhang sambit ni Ponzi dahilan para agad na mapatayo ang doktor saka nilibot ang mga paningin niya na animo'y sinisiguradong walang ibang nakikinig sa kanila.

Biglang nagsimulang maglakad ang doktor patungo sa kanyang opisina kaya naman agad na sumunod sa kanya ang binata.

***

"Electroconvulsive Theraphy." Sabi ng doktor sabay abot kay Ponzi ng isang folder na puno ng mga litrato ng pasyenteng may marka ng paso sa kanilang mga noo at sentido.

"Ano?" Naguguluhang sambit ni Ponzi.

"Karamihan sa mga may sakit sa pag-iisip ay sumasailalim sa ganyang proseso, pinapadaluyan ng kuryente ang mga utak nila pero isinasagawa lang ito sa mga pasyenteng hindi na tinatalaban ng mga gamot. Yung nakita kong marka sa sentido ni Serenity, hindi iyon normal na electroconvulsive theraphy na ibinibigay sa mga pasyente... Ang makinang ginamit kay Serenity, mukhang napakaluma na kung pagbabasehan ang mga marka sa sentido niya. Malayong-malayo sa ginagamit ngayon sa modernong Electroconvulsive theraphy na hindi masyadong masakit... Ang mga makalumang makina, iyon ay nagbibigay ng matinding sakit. Yung mga marka sa sentido niya, palatandaan iyon na araw-araw siyang kinuryente at malakas ang boltaheng ibinibigay sa kanya. Parang hindi na theraphy ang ginawa sa kanya kundi torture. Sigurado akong hindi isang doktor ang may gawa nun sa kanya dahil walang matinong doktor ang magmamalabis ng ganun sa pasyente niya." Paliwanag ng doktor kaya nasapo na lamang ni Ponzi ang ulo niya at napatingin sa sahig dulot ng panlulumo.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon