10.
Blasphemy
Sisa
Nanginginig man ang mga kamay, hinigpitan ko na lamang ang hawak sa kutsara saka sumubo ng pagkain. Gaya nila, nakatali rin ang leeg ko sa upuan gamit ang isang kulay itim na garter dahilan para manatili akong nakasandal sa metal na upuan.
Gaya ng pwesto namin sa selda, tatlo kaming nakaupo sa bawat bahagi ng mesa. Nakaupo ako sa gitna nila Paris at Rose samantalang napagigitnaan naman si Kerry ni Ada at ng babaeng kanina pa hindi gumagalaw. Nakatitig lamang siya sa kawalan. Walang kaemo-emosyon. Wala na, hindi na yata niya kinaya.
"Olive okay ka lang hija?" Tanong ni Tatang sa babaeng walang kaemo-emosyon.
Si Tatang... Nakapwesto siya sa unahang bahagi ng mesa gaya ng karaniwang ama sa isang bahay. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya para umarteng parang ama naming lahat, isa lang ang nasisiguro ko—nababaliw na siya.
Napatingin ako sa katabi kong si Paris. Umiiyak man, patuloy siyang kumakain, patuloy siyang nagpapalakas. Sa kabila ng lahat, gusto niya paring mabuhay. Staying alive, that's the most important for them.
I hate Paris. I hated her since we were kids. She tormented, ridiculed, insulted and embarrassed me when we were still kids over and over again. Because of her I was scared to go to school. I was scared to live. I even wanted to die because of her. As mean as this sounds, yes she was one of those people I wanted to kill and torture for ruining my life... but now... I can't help but to feel sad for her.
"Serenity kumain ka na." Biglang paalala sa akin ni Tatang. Napapansin niya ang bawat galaw namin, ang bawat galaw ko.
Nagpupuyos sa galit ang buong sistema ko. Kinamumuhian ko siya. Malakas ang kutob kong siya ang may kagagawan sa pagkamatay ni Julia. Kinamumuhian ko siya sa mga ginawa niya sa aming lahat. Parang sasabog na ang puso ko sa galit at panggigigil pero alam kong wala akong laban ngayon. Nakakainis, pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait.
Huminga na lamang ako ng malalim at inilapag ang kutsara sa plato.
Habang nakasandal parin sa kinauupuan, ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay, "Hindi masarap ang luto mo Tatangina. It tastes just like what kind of a person you are—Filthy and Disgusting." Marahan kong bigkas para naman ma-absorb niya ang bawat insultong pinapakawalan ko.
Sa isang iglap, nakatingin na silang lahat sakin habang nanlalaki ang mga mata. Well lahat sila except kay Olive na nakatulala parin at wala na sa sarili. Hindi ko alam kung nanlalaki ang mga mata nila dahil sa gulat o dahil pinipigilan nila akong gumawa ng katangahang magpapahamak sakin. Well, I reached my breaking point. When I'm mad, I tend to get physical but ngayong wala akong laban physically, my mouth is my weapon. I need to unleash my anger, I know he could kill me but the anger could kill me too. Kung ikamamatay ko man ang pang-iinsulto sa kanya so be it. Condolence nalang.
Naramdaman kong hinawakan ni Paris ang kamay ko.
See we've known each other since we were kids so I'm pretty sure alam na niya ang ugali ko.
"Sisa don't...." Bulong niya.
"Serenity hija, makinig ka." Biglang sambit ni Tatang bagay na ikinagulat ko naman. Ba't parang kalmado parin siya? Ba't nakaupo parin siya? Hindi ba niya ako bibigwasan o sasampalin? Oh well, this is good for me. I can unleash 12% of my anger.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?