41.
Listen to the expert
Sisa
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dinilat ang mga mata ko. Napakalabo ng paningin ko at napakabigat ng pakiramdam ko. Nang maramdaman ko ang lamig ng metal na kinahihigaan ko, para akong sinampal ng katotohanang nasa kamay na naman ako ng programa.
Pwede bang maging masamang panaginip lang ang lahat? Pwede bang naumay lang ako sa pagmumukha ni Jojo kaya ako nananagip ako ng ganito?..... Yah, too good to be true.
"Hi!" Narinig kong may nagsalita kaya naman napatingin ako sa gilid ko.
"You have got be kidding me!" Napangiwi na lamang ako sa inis nang makita ko si Jojo hindi kalayuan sa akin. He's strapped in a small bed just like me. Namamaga ang kaliwang mata niya at may tumutulong dugo mula sa gilid nito na para bang may nanuntok sa kanya pero sa kabila nito ay nagawa niya parang ngumiti sakin.
"How could you still smile like an idiot?" Tanong ko na lamang.
"Gusto mo ng realtalk?" Bahagya siyang tumawa, "Kanina pa nanginginig ang kamay at paa ko sa takot. Kanina pa ako nalilito at takot na takot. Gusto ko ng umuwi, ayoko pang matigok—"Tumigil siya sa pagsasalita nang tumulo ang luha niya. Pilit niyang ginagalaw-galaw ang ulo niya, para siyang naghahanap ng paraan para punasan ang luha niya. Shunga talaga.
"I'm sorry." Sabi ko na lamang nang makaramdam ako ng kurot sa puso ko. I can relate to him. I really can.
Tumawa siya, "Tangina mo talaga Sisa—"
"Don't cuss if you don't want to get hurt." Giit ko dahilan para ngumiwi siya. Yeah, I want to stab my face for saying that too, but that's just how it is here. If you don't want to get hurt, you gotta play by the devil's rules.
"Sisa naman eh! Wala akong oras sa kabanalan mo!" Inis niyang sambit at sinusubukang magpumiglas, "Subukan mo ding magpumiglas, wag kang tumunganga lang diyan! Baka bumalik yung doktor!" Giit ni Jojo.
"Bruh, I don't want to sound negative but wala kang mapapala sa ginagawa mo. Sabihin na nating makakalas mo ang tali, ang tanong may matatakbuhan ka ba? Jojo, bibigyan mo lang siya ng dahilang pahirapan ka lalo." Giit ko na lamang saka tumingala upang makita niya ang mga CCTV camera sa bawat dulo ng kisame.
Tumingala si Jojo at nakita ko ang labis na takot niya nang makita ang mga CCTV. Napasigaw siya sa inis at tumigil na lamang sa pagpupumiglas, "Sisa nasaan ba talaga tayo? Ba't tayo dinala dito?! Tangina sino yung malaking lalakeng parang doktor?! Akala ko gagamutin ako pero sinapak lang ako bigla kasi mapagmura daw ako! Putangina lang?!"
Napabuntong-hininga na lamang ako at isinandal ang ulo ko sa kama, "They think they can fix our personalities so they'll try break us by torture and isolation. Jojo hindi sa tinatakot kita pero kaya nilang gawin ang lahat ng gusto nila—"
"Papatayin ba nila ako?" Biglang napaiyak si Jojo kaya maging ako'y napapaluha narin.
I never thought na darating ang araw na maaawa ako sa kanya to the point na gusto ko siyang yakapin.
"Until he sees a chance in you, I guess he won't." Sabi ko na lamang upang wag siyang matakot lalo pero wala eh, dito pa lang sa kwartong to kikilabutan ka na. Kaming dalawa lamang ni Jojo ang nandito pero sa gitna namin ay isang mesa at may nakapatong ritong mga kutsilyo, scalpel, martilyo at barena... Ang ilan sa mga ito'y may bahid pa ng dugo.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?