Epilogue (Part 2 of 2)

69.7K 3.7K 3.7K
                                    


Okay this is it. Part 2 of the epilogue. You guys are osummmm! Thanks for reading the series! :)

 


The Ripper Series #3

Never Cry Murder

Epilogue (Part 2 of 2)

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong hindi na umaandar ang kotse at wala na akong yakap na sanggol. Nakatulog pala ako sa loob ng kotse. Shit naman, asan ang baby? Don't tell me nasa backseat at kasama ni Jojo?! Damn it! Baka magka-psychological problems ang baby!

"Bruh! Asan—" Parang huminto ang mundo ko nang makita kong hindi si Ponzi ang katabi ko.

"Akala mo ba talaga magiging ganun kadali ang lahat?" Nakangising sambit ni Dexter na ngayo'y nakaupo na sa driver's seat. May hawak siyang isang kutsilyo at umaagos pababa rito ang napakaraming dugo.

Otamatiko akong napalingon sa backseat at nakita ko ang baby na umiiyak. Napakaraming bahid ng dugo sa upuan at pati narin sa sahig pero hindi ko mahagilap sina Jojo at Ponzi.

"Hindi mo makukuha mula sakin ang anak ko Serenity." Walang emosyong sambit ni Dexter at walang ano-ano'y bigla na lamang pinaharurot ang sasakyan kaya wala akong magawa kundi mapatili na lamang.

"Sisa?! Sisa gising!"

Agad akong napasinghap at napaiyak nang makita ko ang nag-aalalang si Ponzi na nakaupo sa tabi ko. Tagaktak ang pawis ko at nanlalamig pa ang mga kamay ko sa sobrang takot. Fucking daymares.

"Halika nga dito," Sabi ni Ponzi at niyakap ako ng mahigpit, "Tapos na ang lahat, wala na ang jemaima program at kailanman hindi ka na masasaktan ulit ni Tatang." Muling paaalala sakin ni Ponzi kaya tumango-tango na lamang ako habang pilit na hinahabol ang hininga ko.

"Teka asan ang baby?! Ponzi asan siya?!" Nataranta ako nang mapansin kong wala akong kargang sanggol.

"Sisa kalma lang, andun siya sa labas kasama ni Jojo." Sabi pa ni Ponzi kaya naman dali-dali akong napatingin sa labas.

Nakahinga ako ng maluwag at nasapo ko na lamang ang ulo ko nang makita ko si Jojo na karga-karga ang baby. Parang napakasaya nilang dalawa habang pinagmamasdan ang isang ale na gumagawa ng cotton candy. Napakalapad ng ngiti sa mukha ni Jojo habang tinuturo ang kulay pink na cotton candy samantalang mukhang manghang-mangha naman ang baby dito.

"Sorry, napa-praning na naman ako." Natawa na lamang ako habang pinupunasan ang luha ko gamit ang mga kamay kong nanginginig parin.

"Sino na namang napanaginipan mo?" Nag-aalalang sambit ni Ponzi.

"This time its Dexter and he wants to get his daughter." Napabuntong-hininga na lamang ako at muling pinagmasdan ang baby na karga parin ni Jojo.

"Your anxiety affects your dreams." Giit ni Ponzi at inabot sakin ang isang bottled water.

"How can I not be anxious Ponzi... What if Dexter tries to escape? What if he tries to take the baby? And dude! Julia's dead!" Namalayan ko na lamang na muli na naman palang umaagos ang luha ko, "That baby will grow up without her mother. She'll grow up without a father too because Dexter happens to be a fucking psychopath and he'll spend the rest of his life in the nut house. Ponzi darating ang araw na hahanapin niya ang daddy niya, Ponzi paano niya matatanggap ang katotohanang kasali sa isang shungang kulto ang daddy niya at isa sa mga biktima nila ang mommy niya? Aw shit, mababaliw ako lalo nito." Isinandal ko na lamang ulit ang noo ko sa balikat ni Ponzi.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon