Chapter 38: Scribbled

54.4K 3K 4.5K
                                    

38.

Scribbled

Third Person's POV

Unti-unting idinilat ni Serenity ang namumugto niyang mga mata at agad niyang nakita si Ponzi na nakaupo malapit sa kanya at hawak-hawak ang kamay niya. Kanina pa siya nito binabantayan at pinagmamasdan.

"P-ponzi..." Agad niyang sambit at hinawakan pabalik ang kamay nito.

"Mabuti at nakikilala mo na ako." Nakangiti man, bakas ang lungkot mula sa namumulang mga mata ni Ponzi.

"B-bakit? Anong nangyari?" Nauutal man at hilong-hilo pa, sinubukan ni Serenity na maupo sa kama kaya naman dali-dali siyang inalalayan ni Ponzi hanggang sa kapwa na sila magkaharap sa isa't-isa. Hindi nito maalala ang nangyari sa eskwelahan.

 "Serenity bigla kang naghysterical nang makuryente ka ni Jojo, pati ako hindi mo ako nakilala kanina. Takot na takot ka..." Nag-aalangang sambit ni Ponzi na animo'y hindi sigurado kung tama ba ang desisyon niyang sabihin ito.

"Ano?!" Biglang nataranta si Serenity sa narinig, "P-ponzi may nakakita ba sa nangyari sakin? Marami bang nakakita?" Nauutal nitong sambit na animo'y may kinakatakutan.

"'Wag mo nang alalahanin ang sasabihin ng iba. Magpahinga ka nalang." Giit na lamang ni Ponzi pero imbes na kumalma ay bigla na lamang tumayo si Serenity na animo'y may hinahanap.

"Ponzi nasaan ang bag ko?" Aligaga nitong sambit kaya agad na napakamot si Ponzi sa kanyang ulo.

"Naku sorry, naiwan siguro namin sa school kanina. Nagmadali na kasi kaming ihatid dito sa apartment, pasensya na talaga. Ano bang laman ng bag mo?" Tanong pa ni Ponzi pero imbes na sumagot ay bigla na lamang umiyak ng umiyak si Serenity dahilan para mataranta ang binata.

"Teka babalikan ko, 'wag ka nang umiyak, sorry talaga!" Natatarantang sambit ni Ponzi at lalabas na sana ng kwarto pero bigla na lamang hinawakan ni Serenity ang kamay niya dahilan para agad siyang mapalingon rito.

"Ponzi 'wag na." Umiling-iling si Serenity, "Dito ka nalang please?" Pakiusap nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Sigurado ka ba? Ba't umiiyak ka parin?" Naguguluhan at nag-aalalang sambit nito saka muling naupo sa tapat si Serenity.

Huminga ng malalim si Serenity at pinunasan ang kanyang  luha gamit ang nanginginig na mga kamay, pinilit niyang ngumiti para kay Ponzi, "Zosimo naman eh! Iyakin talaga ako! Masanay ka na! Sige na, dito ka lang muna sa tabi ko!" Pamimilit nito na para bang isang batang naglalambing.

"Madali akong kausap." Napangisi si Ponzi at bigla na lamang niyakap si Serenity ng mahigpit hanggang sa kapwa sila matumba at mapahiga sa kama habang tawa ng tawa.

 "Ayan ka na naman eh, china-chansingan mo na naman ako eh!" Nakangiwing sambit ni Serenity nang kapwa sila magkaharap sa isa't-isa.

"Bakit? Ayaw mo?" Biro ni Ponzi habang nakabusangot.

"Gusto!" Biro naman ni Serenity habang nakangisi.

"Nawala man ang alaala mo, siraulo ka parin talaga. Pasalamat ka di ako manyak." Tumatawang sambit ni Ponzi at hinigit si Serenity upang mahiga sa balikat niya.

"Sa lagay nato hindi ka manyak?" Sarcastic sambit ni Serenity habang tumatawa, "Hoy kung hindi ka manyak dapat nasa sala ka at nagpapaka-gentleman!" Biro pa nito.

"Edi manyak na kung manyak." Pagmamalaki ni Ponzi at bigla na lamang niyakap si Serenity papalapit sa kanya hanggang kapwa na magkadikit ang mga noo nila.

"Hoy Agapito Zosimo Tanya..." Mahinang sambit ni Serenity habang tinititigan ang mga mata nito.

"Ano yun, Mary Serenity Samonte?" Tanong pabalik ni Ponzi habang may ngisi parin sa kanyang labi.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon