15.
Salvation
Sisa
"Grabe in love na in love ako dun sa isa naming schoolmate, Calix yung name niya kaso may girlfriend siya na daig pa ang perfection. Time ko na sana na mag-confess kasi naghiwalay sila tas boom nakidnap pa ako ni Tatang. Masaket diba?"
"Medyo landi ka Ada."
"I know, wala eh, pogi ni Calix eh."
"Ikaw Serenity, have you ever been In love?"
"Serenity?"
"Hoy Serenity!!!"
Napatingin ako kay Ada nang bigla kong napansin na isinisigaw na pala niya ang pangalan ko.
"Ha?" Tanong ko na lamang saka ko lang napansin na nakatuon na pala sa akin ang atensyon nila.
"Asan nagpunta utak mo? Kanina pa kami nagsasayang ng laway dito." Biro pa ni Rose kaya ngumiti na lamang ako at napatitig sa pader na nasa dulo ng selda ko. Gamit ang dugo mula sa bawat sugat na natatamo ko, gumuguhit ako ng palatandaan kung ilang araw na ako dito—9 days. Wow lang diba? 9 days na puro 'opo tatang', 'sorry tatang', 'wag mo akong sasaktan tatang' ngayon naiintindihan ko na kung bakit ginawa ni Olive ang ginawa niya kahit sobrang sakit. Ginagawa ko ang lahat para magpa-good shot kay Tatang kaso lagi talaga akong pumapalpak kaya bugbog ang resulta. Hay....
"Does your face still hurt?" Tanong ni Paris mula sa kabilang selda kaya bahagya akong tumawa.
"Ulol, ako ang dapat mangamusta sayo Paris. Pinalo ka niya ng sandok sa ulo kanina kasi di masarap luto mo." Sabi ko na lamang sabay himas ng noo kong namamaga pa.
"Isang beses lang naman niya ako sinupalpal ng sandok eh. Yung sayo kanina sa bible study, pinaghahampas ka talaga niya sa mukha ng Bible. Ang kapal kaya ng bible na yun." Giit pa ni Paris kaya natawa na lamang ako. Pero ouch, ang sakit tumawa, ang sakit pa kasi talaga ng mukha ko, paghahampasin ba naman daw kasi ng bible. Loko tong si Tatang, ano ako si Carrie White?
"Yan, wag kasing ma-distract habang nagbabasa." Sabi pa ni Kerry. On the other hand, ang sarap atang batuhin ng sandok ni Kerry ngayon ah? Sorry lang ha, wala eh, hirap talaga akong mag-focus sa pagbabasa.
"Sisa ano nga? Na inlove ka na ba?" Muling tanong ni Ada kaya nahiga na lamang ako sa sahig at napatitig sa kisameng walang ibang kulay kundi puti... Hay, asan ba yung mga butiki? Ba't minsan ko nalang silang nakikitang tumatambay dito? Kakamiss silang habulin at abutin.
"No worries Serenity, di naman ako magagalit pag sinabi mong love talaga yung naramdaman mo kay Archie eh." Sabi pa ni Paris kaya natawa na lamang ako.
"Honestly?" Napabuntong-hininga ako, "Pizza. Seriously it's Pizza. I'm in love with Pizza. Yung nakikita ko pa lang ang waiter na papalapit sa table ko bitbit ang mainit pang Pizzza, bigla ng bumibilis ang tibok ng puso ko. Ah, I can't explain... That feel is real. I'm in love with Pizza." Sabi ko na lamang sabay hawak sa tiyan ko.
Miss ko ng kumain ng Pizza.
Nakakaiyak.
"Tao Sisa! Tao!" Giit ni Kerry dahilan para magtawanan sila.
"Si Dustin no?" Tanong ni Ada kaya bahagya akong napaisip.
Oo nga parati kong nilalandi si Dustin sa isipan ko, ganun din naman ako kay Archie noon eh. Kung noon pasikreto kong kinukunan ng stolen photos si Archie, si Dustin naman hinanapan ko pa ng childhood pictures at na-achieve ko thanks to Tammy. Diba dapat ang love mahirap kalimutan? Ba't ambilis kong naka get-over? Nang malaman ko kasi na may gusto si Archie kay Paris, ambilis kong natanggap. Nang makilala ko si Dustin doon ko napagtanto na hindi love yung naramdaman ko kay Archie kasi sa isip ko nun, in love talaga ako kay Dustin. Pero nang malaman kong mamamatay tao si Dustin, wala na agad. Love ba talaga yun or attracted lang ako? Sinasabi kong mahal ko si Dustin pero tama nga ba yung pinagsasabi ko? How do I know if love ba or assuming lang ako? Yun bang nagpapaapekto lang dahil sa influence ng fictional stuff.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?