Chapter 17: A truce

57.3K 3.2K 1.9K
                                    

17.

A Truce

Sisa


Sa pagdilat ko pa lamang ng mga mata ko ay agad ko nang naramdaman ang matinding kirot sa ulo ko at maging sa likod ko. Nanatili akong nakahiga sa sahig habang nakatitig sa kisame.


May naamoy akong napakasangsang pero hindi ko na lamang ito ininda. Siguro kasi, mas matindi parin talaga ang sakit ng buong katawan ko.

Hindi na bago ang ganitong klase ng sakit para sa akin pero hindi ko parin magawang masanay. Doble pa ang sakit lalong-lalo na't abot-kamay ko na sana ang kalayaan ko.

"Juliangina, suko na ako." Hinayaan ko na lamang ang luha kong umagos habang nakatitig ako sa kisame, "Sabihin mo naman kay holy bruh na bilisan na ang pagsundo sakin oh? Hindi ko na talaga kaya. Hindi ako kasing tatag mo o ni Paris. Juliangina, masakit na sa isip at katawan. Alam mo namang maganda lang ako at hindi matatag. Juliangina hindi ko na talaga kaya..." Napakagat na lamang ako sa labi ko nang hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko sa paghagulgol.

Tough cookie my ass, I'm more like a bread stick. Mukhang matatag, mababali rin pala.

Makaraan ang ilang sandali ay huminga na lamang ako ng malalim at paulit-ulit na kinurap-kurap ang mga mata ko. Masakit man, pinilit ko na lamang na igalaw ang braso ko upang gamitin ito sa pagpunas ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang nasisiguro ko, wala na ako sa imburnal.

Kulay puti parin ang pintura dito sa maliit na kwartong kinaroroonan ko pero kakaiba ito kasi may nakikita na akong mga bagay rito gaya ng mga lumang cabinet at sako-sako ng mga damit, kurtina, kumot, kung ano-ano pang tela—lahat ito ay may bahid ng mga dugo. Tambakan ata tong kinaroroonan ko. Walang kabinta-binta at iisa lang ang pinto.

Sumasakit lalo ang likod ko kaya naisapan kong tumagilid ng kaunti ngunit laking gulat ko dahil sa pagtagilid ko ay bigla kong nakita ang isang malaki at kulay itim na garbage bag sa tabi ko at ang masaklap, lumalabas mula rito ang iilang mga uod. Napatakip na lamang ako sa bibig ko nang mapagtantong isa palang bangkay ang laman nito.

Masakit man, dali-dali akong gumulong malayo lang dito.

Ito pala ang pinanggagalingan ng masangsang na amoy.

Sobra pang sakit ng buong katawan ko pero pinilit kong humawak sa isa sa mga cabinet upang matulungan ang sarili ko sa pagtayo.

Impit akong napaungol nang maramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula sa ulo pababa ng leeg ko. Nasugatan yata ako sa ulo dahil sa pagbagsak ko kanina. Napakasakit pero on the bright side, may chance na maging pula ulit ang buhok ko, yun nga lang dahil na sa dugo. Whatta life.

"Rodney nababaliw ka na ba talaga?! Ba't sa lahat ng kukursanadahin mo, ang paborito pa ni Tatang?!" Narinig kong biglang may sumigaw mula sa labas. Lalake pero hindi ito si Tatang o yung malanding delivery dude.

"Akala ko may pulang buhok yung paborito ni Tatang! Malay ko bang yung babaeng yon na si Serenity! Hindi ko rin naman siya nagalaw, Tangina sa ginawa niya sakin mukhang matatagalan pa akong makaiskor sa iba!" Narinig kong bulyaw naman ng isa pa. I'm pretty sure that's the disgusting delivery dude. Medyo nag-iba ang lakas boses niya, mukha siyang nanghihina, malamang dahil sa sakit na idinulot ko sa kanya.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon